“Pagsunod kay Jesus sa Peru,” Kaibigan, Okt. 2023, 16–17.
Pagsunod kay Jesus sa Peru
Kilalanin si Rafael!
Tungkol kay Rafael
Edad: 6
Mula sa: Probinsiya ng Lima, Peru
Wika: Espanyol
Mga mithiin at pangarap: 1) Maging arkitekto at bumbero. 2) Magmimisyon. 3) Matuto ng Ingles.
Pamilya: Sina Rafael, Inay, Itay, kapatid na sanggol, at lolo’t lola
Paano Sinusunod ni Rafael si Jesus
Mahal ni Rafael ang kanyang lola-sa-tuhod na si Mimi. Madalas silang bisitahin ni Mimi sa kanilang tahanan. Nakatira ang pamilya ni Rafael sa ikalawang palapag, at bulag si Mimi. Kaya kapag bumibisita si Mimi, lagi siyang tinutulungan ni Rafael na umakyat sa hagdan.
“Masaya ako kapag tinutulungan ko si Mimi dahil nalalaman niya na mahal na mahal ko siya,” sabi ni Rafael.
Kapag binabangungot si Rafael, nagdarasal siya para humingi ng tulong mula sa Ama sa Langit. Nang magkasakit ang tatay niya ng COVID, ipinagdasal niya na gumaling ito.
Sa simbahan, mahilig magbigay si Rafael ng mga himnaryo sa mga bisita para makasabay sila sa pagkanta. “Ngumingiti si Jesucristo kapag gumagawa ako ng mabuti,” sabi ni Rafael.
Mga Paborito ni Rafael
Kuwento sa banal na kasulatan: Pinagagaling ni Jesus ang lalaking bulag
Lugar: Tabing-dagat
Prutas: Mga mansanas
Kulay: Asul
Subject sa paaralan: Sining