Kasaysayan ng Simbahan
Japan: Kronolohiya


“Japan: Kronolohiya,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan (2019)

“Japan: Kronolohiya,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan

Japan: Kronolohiya

Agosto 12, 1901 • Yokohama, JapanAng unang pangkat ng mga misyonerong Banal sa mga Huling Araw ay dumating sa Japan.

Mga missionary sa lugar ng paglalaan sa Japan

Setyembre 1, 1901 • Yokohama

Inilaan ni Heber J. Grant ang Japan para sa pangangaral ng ebanghelyo.

Marso 8, 1902 • Ōmori, JapanSi Hajime Nakazawa ang naging unang binyagan sa Simbahan sa Japan.

Abril 28, 1902 • Tokyo, JapanGinanap ang unang pulong ng Simbahan sa tahanan ni Nakazawa.

Agosto 17, 1902 • TokyoInorganisa ang unang Sunday School sa Japan. Ang mga naunang pulong ay ginanap sa wikang Ingles.

Agosto 20, 1902 • TokyoInilathala ng iskolar na Hapones na si Takahashi Goro ang kanyang aklat, ang Morumon kyō to Morumon Kyotō (Mormonism at mga Mormon).

Oktubre 11, 1903 • TokyoAng pagbibinyag kay Kenzo Kato ay ginanap sa wikang Hapon; ito ang unang pagkakataon na isinagawa ang anumang ordenansa sa wikang Hapon.

Oktubre 16, 1903 • Hojo, JapanAng unang Sunday School na isinagawa sa wikang Hapon ay inorganisa.

Enero 1904–Setyembre 1909 • TokyoPinamahalaan ni Alma O. Taylor ang unang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa wikang Hapon.

Oktubre 6, 1909 • TokyoAng mga unang kopya ng Aklat ni Mormon sa wikang Hapon ay inilimbag at tinipon.

Hulyo 3, 1910 • TokyoAng unang Mutual Improvement Association (MIA) ay itinatag sa Japan. Si Takeshiro Sakuraba ay hinirang bilang pangulo.

Mayo 30, 1917 • TokyoInorganisa ang unang Relief Society sa Japan.

Enero 1923 • JapanInorden si Fujiya Nara bilang presiding elder ng Simbahan sa Japan.

Mayo 26, 1924 • Washington, D.C.Ipinasa ng Kongreso ng U.S. ang Immigration Act ng 1924, na siyang pumipigil sa pandarayuhan mula sa rehiyong Asya-Pasipiko patungong Estados Unidos.

Hunyo 9, 1924 • TokyoDahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Japan, ipinasara ni Heber J. Grant, Pangulo ng Simbahan, ang Japanese Mission.

Enero 1, 1925 • TokyoAng unang isyu ng Shuro, isang pahayagan na naglalayong magbigay ng patuloy na komunikasyon sa mga branch sa Japan, ay inilathala.

1926–38 • Lungsod ng Salt Lake City at JapanHiniling ng Unang Panguluhan kay Alma O. Taylor na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga Banal na Hapones. Nagbigay ng mga regular na ulat si Taylor sa Unang Panguluhan tungkol sa mga aktibidad sa Japan.

Nobyembre 1926 • Tokyo, Osaka, at SapporoBinisita ni Franklin S. Harris, pangulo ng BYU, ang mga branch ng Simbahan at mas pormal na inorganisa ang MIA. Hinirang si Fujiya Nara na pamunuan ang MIA sa Japan.

Disyembre 1927 • Lungsod ng Salt Lake at TokyoSa isang liham mula sa Unang Panguluhan, muling sinang-ayunan ang pagkakatalaga kay Fujiya Nara bilang presiding elder.

Hulyo 7, 1934 • Lungsod ng Salt LakeItinalaga ni Heber J. Grant si Takeo Fujiwara bilang “presiding elder at special missionary” sa Japan.

Hulyo–Disyembre 1934 • Tokyo, Osaka, Kofu, at SapporoInorganisa ni Takeo Fujiwara ang mga branch sa Tokyo, Osaka, Kofu, at Sapporo.

Abril 28, 1935 • KofuPinamunuan ni Takeo Fujiwara ang unang sacrament meeting na ginanap sa Japan mula nang magsara ang mission. Hinirang at sinang-ayunan si Muraji Yoneyama bilang branch president.

Mayo 19, 1935 • TokyoSina Terutake Ishikawa at Kyoko Mochizuki ay nabinyagan at nakumpirma; ang mga ito ang unang ordenansa ng priesthood simula nang magsara ang mission.

Enero 27, 1936 • TokyoPumanaw si Takeo Fujiwara dahil sa tuberkulosis. Walang opisyal na paghirang ang ibinigay para sa kapalit na presiding elder sa Japan.

1937–45 • Honolulu, HawaiiPinangasiwaan ng Japanese Mission ang mga gawain ng Simbahan sa Japan mula sa punong-tanggapan nito sa Honolulu.

Abril 1939 • Osaka, Tokyo, at SapporoBinisita ni Hilton A. Robertson ang mga Banal sa buong Japan, nagbinyag ng walong bagong miyembro at inorden ang isang elder.

Oktubre 30, 1945 • TokyoTumugon si Nara Fujiya sa mga patalastas ni Edward Clissold sa isang lokal na pahayagan na naghahanap ng kontak sa lahat ng miyembro ng Simbahan sa Japan.

Oktubre 22, 1947 • Lungsod ng Salt LakeHinirang si Edward L. Clissold na muling buksan ang Japanese Mission.

Marso 7, 1948 • TokyoDumalo si Clissold sa Japanese Sunday School at junior Sunday School na pinapangasiwaan ni Nara Fujiya.

Hulyo 17, 1949 • TokyoIpinropesiya ni Elder Matthew Cowley na magtatayo ang Simbahan ng maraming gusali at “maging mga templo” sa Japan.

1952–53 • JapanSinimulan ni Vinal Mauss, pangulo ng Japan Mission, ang Servicemen’s Missionary Fund [Pondong pang-Missionary ng mga Sundalo]. Si Hide Kishigami ang naging unang missionary na hinirang mula sa Japan upang turuan ang mga Hapones.

1955 • TokyoAng Doktrina at mga Tipan at Mahalagang Perlas ay inilathala sa wikang Hapon sa unang pagkakataon.

Abril 26, 1964 • TokyoInilaan ang meetinghouse ng Tokyo North Branch; ito ang unang meetinghouse ng mga Banal sa mga Huling Araw na itinayo sa Asya.

Hulyo 1965 • Japan at HawaiiIsinagawa ng mga miyembro ang unang paglalakbay papuntang Laie Hawaii Temple upang makibahagi sa mga ordenansa sa templo.

1965 • JapanHinirang si Adney Y. Komatsu bilang pangulo ng Northern Far East Mission, ang unang taong may lahing Hapones na mamuno sa mission sa Japan.

Marso 15, 1970 • TokyoAng unang stake ng Simbahan sa Asya, ang Tokyo Stake, ay inorganisa kasama si Kenji Tanaka bilang pangulo.

Marso 15–Setyembre 13, 1970 • OsakaAng World Exposition ay ginanap sa Osaka.

1972 • TokyoInorganisa ng Church Educational System ang mga unang seminary at institute sa Japan.

Abril 4, 1975 • Lungsod ng Salt LakeHinirang si Adney Y. Komatsu bilang Katuwang sa Korum ng Labindalawa, at naging unang General Authority na may lahing Hapon.

Agosto 9, 1975 • TokyoIbinalita ni Spencer W. Kimball, Pangulo ng Simbahan, na magtatayo ng templo sa Tokyo.

Oktubre 1, 1977 • Lungsod ng Salt LakeSi Yoshihiko Kikuchi ay hinirang bilang miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu. Siya ang unang katutubong Hapones na naglingkod bilang General Authority.

Oktubre 27–29, 1980 • TokyoInilaan ni Spencer W. Kimball, Pangulo ng Simbahan, ang Tokyo Japan Temple; ito ang unang templo sa Asya.

Marso 31, 1990 • Lungsod ng Salt LakeHinirang si Chieko Okazaki bilang Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency. Siya ang unang babaeng may lahing Asyano na naglingkod bilang General Officer ng Simbahan.

Hunyo 11, 2000 • Fukuoka, JapanInilaan ni Gordon B. Hinckley, Pangulo ng Simbahan, ang Fukuoka Japan Temple.

Marso 2011 • JapanMatapos ang magnitude 9.0 Tōhoku, o Great East Japan, na lindol at tsunami, ipinamahagi ng Simbahan ang 180 tonelada ng emergency supply.

Agosto 21, 2016 • SapporoInilaan ni Pangulong Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang Sapporo Japan Temple.