“Ang Pavillon ng mga Mormon sa 1970 World’s Exposition,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan (2019)
“Ang Pavillon ng mga Mormon sa 1970 World’s Exposition,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan
Ang Pavillon ng mga Mormon sa 1970 World’s Exposition
Noong 1970, bilang tanda ng pagbangon ng Japan mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang unang World’s Fair sa Asya ay idinaos sa Osaka. Sa temang “Pagsulong at Pagkakasundo para sa Sangkatauhan,” kabilang sa pitong buwang kaganapan ang mga kinatawan mula sa 77 bansa at malugod na tumanggap sa 64,000,000 bisita.
Nakilahok ang Simbahan sa exposition sa pamamagitan ng isang malaking Pavillon ng mga Mormon. Halos 7,000,000 katao ang bumisita sa pavillon at saglit na tinuruan tungkol sa mensahe ng ipinanumbalik na ebanghelyo. Tinatayang 780,000 Hapones ang nagbigay ng kanilang personal na impormasyon at hiniling sa mga missionary na bisitahin sila sa bahay. Ang bago at bukod-tanging pagkakataong ito na ibahagi ang ebanghelyo sa mga Hapones ay nagkaroon ng malaking epekto sa Simbahan.