Kasaysayan ng Simbahan
Japan: Buod


“Japan: Buod,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan (2019)

“Japan: Buod,” Mga Kasaysayan mula sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo: Japan

Isang Maikling Kasaysayan ng Simbahan sa

Japan

mapa ng Japan

Buod

Unang nagpadala ng mga misyonero ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa bansang Japan noong 1901. Bagama’t nagdulot ang tensyon sa pulitika sa pagsasara ng Japan Mission sa pagitan ng 1924 at 1948, patuloy na ipinamuhay ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang pananampalataya, ibinabahagi ang ebanghelyo, at nagtatayo ng Simbahan sa Japan. Nang bumalik ang Simbahan sa Japan sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang maliit na grupo ng matatapat na miyembro sa Japan, ang ilan na nabinyagan, ang nakitang regular na nagpupulong.

Simula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naranasan ng Simbahan sa Japan ang unti-unti, ngunit patuloy na pagsulong. Ipinakita ng mga Banal sa Japan ang malaking katapatan sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Noong 1965, marami ang nagsakripisyo ng oras at mga suweldo upang makapunta sa templo sa Hawaii. Noong dekada ng 1970, ang katapatang ito ay humantong sa pagtatayo ng templo sa Tokyo—ang unang templo sa Asya at ang una sa tatlong templo sa Japan. Ang mga Banal na Hapones ngayon ay gumagawa ng mahahalagang kontribusyon sa kanilang mga komunidad at bansa. Halimbawa, noong 2011, matapos wasakin ng lindol at tsunami ang maraming lugar sa Silangang Japan, maraming Banal na Hapones ang gumugol ng maraming oras sa pamimigay ng mga suplay na relief at pagtulong sa kanilang mga kapitbahay na ayusin ang mga pinsala.

Ang kasaysayan ng Simbahan sa Japan ay isang pananalig na higit pa sa mga hangganan ng bansa at mga di-pagkakasundo sa pulitika. Ang pananampalataya ng mga Banal sa Japan ay nagpapatotoo sa kapangyarihan ng ipinanumbalik na ebanghelyo na magbibigkis sa atin bilang “mga kapwa mamamayan ng mga banal at mga kaanib ng sambahayan ng Diyos” (Efeseo 2:19).

Maikling Impormasyon

  • Opisyal na Pangalan: Japan/Nihon-koku/Nippon-koku

  • Kabisera: Tokyo

  • Pinakamalaking Lungsod: Tokyo

  • Mga Opisyal na Wika: Hapones

  • Sukat ng Lupa: 364,485 km2 (140,728 mi2)

  • Lugar ng Simbahan: Hilagang Asya

  • Mga Mission: 6 (Fukuoka, Kobe, Nagoya, Sapporo, Tokyo, Tokyo South)

  • Mga Kongregasyon: 268

  • Mga Templo: 4 (Fukuoka, Okinawa, Sapporo, at Tokyo)