2017
Anim na Paraan ng Pagtulong sa Isang Kaibigang Nababalisa
2017


Anim na Paraan ng Pagtulong sa Isang Kaibigang Nababalisa

young woman peeking through blinds

Kadalasan yaong mga nababalisa ay takot sa iisipin sa kanila ng iba. Ayaw nilang makita ng mga tao na natatakot sila o may iba pa silang mga problema na nakakabalisa sa kanila. Madalas, pinipilit nilang itago iyon. Maaaring iwasan nilang sumama sa mga pagtitipon o magsimba. Narito ang mga paraan na matutulungan ninyo sila.

  1. Tulungan silang maunawaan na pare-pareho tayong lahat. Ang mga taong may anxiety disorder (o madaling mabalisa) ay normal na mga nilalang na tumutugon sa isang paraan sa ilang paniniwala, ideya, at takot.

  2. Sikaping huwag manghusga. Ang pagkabalisa ay hindi isang kahinaan sa tao. Ang pagdanas ng normal na pagkabalisa ay nagpapakita na may malasakit tayo sa bagay na nakakabalisa sa atin. Ang isang positibong paraan ng pagtingin sa mga taong nababalisa ay ganito: sobra lang silang magmalasakit.

  3. Makisimpatiya sa kanila. Maging tapat. Makinig para maunawaan ang kanilang damdamin, unawain kung bakit sila nahihirapan, at sabihin kung ano ang nauunawaan ninyo. Pakikisimpatiya ang pinaka-epektibong paraan ng pagpapayo.

  4. Huwag silang sabihan na huwag mag-alala. Hindi ito makagiginhawa sa kanila. Ipinapakita rin nito na hindi ninyo nauunawaan kung paano nangyayari ang pagbabago. Tulungan silang matukoy kung ano ang maaari nilang gawin tungkol sa problema nila.

  5. Huwag silang sabihan na wala sila sa katwiran. Kailangan ninyong makilala ang mga ideya at pag-uugaling nagbibigay sa kanila ng problema. Kung sasabihin ninyo sa kanila na wala sila sa katwiran, baka tumigil sila sa pagtatapat sa inyo, at isipin nila na, “Hindi kita puwedeng kausapin. Iniisip mo kasi na tanga ako.”

  6. Suportahan sila. Hikayatin silang humingi ng tulong. Matutulungan sila ng kanilang bishop na makakita ng mahusay na counselor. Sa isang krisis o mahirap na araw, mag-alok na tumulong sa isang mahirap na tungkulin o gawain, tulad ng pagtuturo ng isang lesson, pagluluto ng makakain, paglalaba, pagtatabas ng damo, pag-aalaga sa mga bata, at iba pa.