Paano Kayo Maaalala sa Inyong Burol?
Binuo ni David Brooks, sa isang editoryal na pinamagatang “The Moral Bucket List,” ang konsepto na may “dalawang grupo ng mga katangian, ang mga katangiang nakasulat sa résumé at ang mga katangiang nakasulat sa eulogy. Ang mga katangiang nakasulat sa résumé ay ang mga kasanayang kailangan ninyo para makapagtrabaho. Ang mga katangiang nakasulat sa eulogy ay ang mga pinag-uusapan sa burol ninyo tungkol sa inyo.”
Tama ang sinabi ni Brooks na ang mga katangiang nakasulat sa eulogy ay mas mahalaga. Makabuluhan ito sa akin dahil may naranasan ako noong mid-20s ko na nagkaroon ng malaking epekto sa akin. Tungkol ito sa mga burol ng dalawang butihing lalaki na ilang araw lang ang pagitan. …
Nagpasiya akong tawagin ang isa na si Mayaman at ang isa naman ay si Matapat. …
Mayaman
-
Mahusay makitungo si Mayaman sa mga tao at matindi ang malasakit niya sa kanila.
-
Malaki ang kita niya at nakatira siya sa isang malaki at magandang bahay na nakatayo sa maluwang na bakuran.
-
Ang mga pagpapasiya niya sa pamilya at impluwensya niya sa kanyang mga anak ay nakatuon lamang halos sa pag-aaral at pagtatrabaho.
-
Si Mayaman at ang kanyang asawa ay naging di-gaanong aktibo.
-
Kabahagi sila ng mga kapuna-punang aktibidad sa lipunan at komunidad.
-
Bukod pa rito, si Mayaman ay isang impluwensya sa katapatan, integridad, at kabutihang-loob sa lahat ng katungkulang hinawakan niya.
-
Ang kanyang burol … sa kabuuan, ay isang malungkot na burol. Ang buhay ni Mayaman ay batay lamang halos sa mga katangiang nakasulat sa résumé.
Matapat
-
Nakasal si Matapat sa isang babae na lubos na aktibo sa Simbahan.
-
Ang kanyang sariling maliit na negosyo ay … nasunog, at nawala sa kanya ang lahat.
-
Kalaunan ay bumuo siya ng isang maliit na negosyo pero halos hindi niya makayang bayaran ang kanyang mga bayarin.
-
Nagkaroon siya ng maliit na bahay na sapat-sapat lang.
-
Naglingkod siya kung saan siya tinawag, kadalasa’y bilang guro, dumalo sa templo nang madalas, at naging matapat na maytaglay ng priesthood.
-
Kahanga-hanga ang mga pakikipag-ugnayan niya, lalo na sa kanyang malaking pamilya at maraming apo.
-
Nang magretiro siya, magkasama silang nagmisyon ng kanyang asawa.
-
Maraming dumalo sa burol ni Matapat … at masaya iyon. Ang mga mensahe ay tungkol sa kanyang pagkatao, kabaitan, pag-aalala para sa iba, at pananampalataya at pagmamahal sa Panginoong Jesucristo.
Ang pinakamahalaga sa akin tungkol sa mga buhay na kalalarawan ko lang ay na natanto ko na ang pinakamahahalagang pagpapasiya ay magagawa ng lahat. … Ang pag-uuna sa Tagapagligtas, sa aking pamilya, at sa Simbahan ay mahalaga. Sa paggawa nito, gaganda ang buhay.