5 Paraan para Maipagtanggol ang Pananampalataya (nang Hindi Nagsasanhi ng Pagtatalo)
Hindi kailangang magkasalungat ang dalawang dakilang alituntunin ng ebanghelyo na manindigan sa katotohanan habang iginagalang at minamahal ang iba. Ang matatag nating pananalig sa katotohanan ay hindi dapat maging dahilan kailanman para kumilos tayo nang walang galang o pagalit sa iba. Ngunit kasabay nito, ang hangarin nating magpakita ng kabaitan at pagmamahal sa lahat ay hindi dapat makabawas kailanman sa tungkulin nating manindigan sa katotohanan.
-
Magtatagumpay tayong mabuti kapag personal nating kinausap ang ibang tao nang sarilinan. Kung hahayaan nating malimita tayo sa 140 characters online, kadalasan ay hindi tayo mauunawaan. Karaniwan, mas maraming magagawa ang makipag-usap nang sarilinan, nang harapan, habang inuunawa ng mga tao ang isa’t isa.
-
Tandaan na ang una nating mithiin ay unawain ang pananaw ng iba. Kapag iginalang natin sila bilang mga tao at inunawa natin ang kanilang pananaw, saka lang tayo epektibong makakaugnay sa iba.
-
Humanap tayo ng mga paraan na maigagalang natin ang magkakaibang pananaw at makapamuhay pa rin nang magkakasama sa lipunan. Kailangan nating ipagtanggol ang mga karapatan ng iba, kilalanin ang karapatan nilang ipahayag ang kanilang mga opinyon at ipagtanggol ang kanilang paniniwala, kung umaasa tayong ipagtatanggol ng iba ang ating mga karapatan.
-
Ang pagkakaunawaan ng dalawang tao ay isang proseso—na madalas mangailangan ng mahabang panahon. Maaaring hindi tanggapin ng iba ang ating mga pananaw, ngunit maaari nating sikaping itigil ang paggamit ng mga salitang tulad ng panatiko at poot.
-
Ituring nating likas na mabuti at makatwiran ang bawat isa, kahit hindi tanggapin ng iba ang ating mga pananaw kailanman.