2017
Tatlong Nakatutuwang Paraan para Masimulan ang Family History
2017


Tatlong Nakatutuwang Paraan para Masimulan ang Family History

pamilya na tumitingin sa album

Nais mo bang madama ang bahagi ng isang bagay na higit sa iyong sarili? Narito ang tatlong nakatutuwang paraan para masimulan ang family history at tatlong tools na magagamit mo para magawa ito.

1. Alamin ang mga kuwento ng pamilya

Ang family history ay higit pa sa mga pangalan at petsa—ito ay mga kuwento tungkol sa inyong pamilya. Alamin ang mga kuwento ng mga miyembro ng inyong pamilya sa pamamagitan ng pag-interbyu sa nabubuhay na mga kamag-anak, tulad ng mga magulang, lolo at lola, mga tiya, at mga tiyo. Kapag mas marami kang natututuhan tungkol sa inyong pamilya, mas marami kang matututuhan tungkol sa iyong sarili.

  • Hanapin ang mga hint na makatutulong sa pagkolekta ng mga kuwento ng pamilya sa LDS.org.

2. Irekord o itala ang mga kuwento ng pamilya

Sa pakikipag-usap mo sa mga miyembro ng pamilya, isulat ang kanilang mga kuwento. Maaari mong gamitin ang FamilySearch.org o ang FamilySearch Memories app para makapag-upload ng mga retrato, audio file, nakasulat na mga kuwento, at marami pang iba.

3. Maghanap ng mga pangalan ng mga kapamilya na dadalhin sa templo

Ang pagdadala ng mga pangalan ng mga kapamilya sa templo ay napakagandang paraan upang lalong maging makabuluhan ang pagsamba sa templo. Maaari mong gamitin ang descendancy view sa FamilySearch.org para mahanap ang mga ninuno na kailangan nang magawan ng kanilang mga ordenansa sa templo.

  • Subukang gamitin ang descendancy view sa FamilySearch.org.

Mithiing pumili ng isa sa tatlong paraang ito para masimulan ang gawain sa family history, at madama ang kagalakang hatid ng pagbaling ng “puso ng mga anak sa kanilang mga magulang” (tingnan sa Malakias 4:5-6).

Wala ka pang nagagawa? Bisitahin ang FamilySearch.org para sa karagdagang mga ideya, tip, at tools.