2017
Q&A Kasama ang Relief Society General Presidency
2017


Q&A Kasama ang Relief Society General Presidency

Mula sa isang artikulo na ipinagdiriwang ang ika-175 anibersaryo ng Relief Society.

Relief Society General Presidency

Ano ang pakiramdam ng makipagtulungan sa mga propeta?

Linda K. Burton, Relief Society General President: “Tulad ng si Jesucristo ang tagapagtanggol ng kababaihan sa Kanyang panahon, gayon din ang Kanyang mga Apostol sa ating panahon. Ang ating mga propeta ay masusing magdesisyon, laging hinihingi ang mungkahi at pananaw ng kababaihan sa Simbahan. Sana’y makita at marinig at madama ng bawat babae sa Simbahan ang nararanasan namin sa regular naming pakikihalubilo sa mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.”

Paano pinagkakaisa ng Relief Society ang kababaihan sa lahat ng dako ng mundo?

Carole M. Stephens, Unang Tagapayo: “Ang ating pananampalataya sa kapangyarihan ng nagbabayad-salang sakripisyo ng Tagapagligtas ang malaking dahilan ng ating pagkakaisa. Ang pagmamahal natin sa ating Ama sa Langit at ang kaalaman tungkol sa Kanyang dakilang plano ng kaligayahan ang nagbibigkis sa atin sa paghahangad natin ng buhay na walang hanggan. Ang ating kababaihan ay mga walang asawa, may asawa at anak, o may asawa ngunit walang anak. May mga biyuda at diborsyada. Ang pag-asa natin ay
 na maaari tayong magkaisa at maging isa kapag naunawaan natin ang ating pagkatao, ating gawain, at ating layunin.”

Ano ang maibibigay ng Relief Society sa mga kabataang babae?

Linda S. Reeves, Pangalawang Tagapayo: “Lahat tayo ay ‘mga anak na babae ng [ating] Ama sa Langit, na nagmamahal sa [atin], at mahal [natin] Siya.’ Sa Relief Society, makikita ninyo na tayo ay mas magkakatulad kaysa magkakaiba. … Ang kahalagahan ng kababaihan ay binibigyang-kahulugan ng mundo. Ang paghahambing natin sa ating sarili sa nakikita at naririnig natin sa mundo ay magpapadama sa atin na kailangan tayong maging ganito. Higit kailanman, kailangan nating tandaang lahat ngayon na ang ating kahalagahan ay nagmumula sa pagiging anak ng Diyos—hindi mula sa kung ano ang ipinapakita ng mundo na dapat tayong maging. Ang ating lakas ay nagmumula sa kaugnayan natin sa ating Ama sa Langit, sa ating Tagapagligtas, at sa isa’t isa bilang mga magkakapatid sa ebanghelyo.”

[video]