2017
3 Mga Kinatatakutan na Hahadlang sa Inyo na Mapatawad
2017


3 Mga Kinatatakutan na Hahadlang sa Inyo na Mapatawad

Larawan
young man

1. Takot na mapahiya. May mas matitindi pa kaysa mapahiya, gaya ng bigat ng kasalanang hindi napagsisihan. Kapag ipinasiya ninyong pagsisihan at ipagtapat ang inyong mga kasalanan, mapapalitan ng kapayapaan at kagalakan ang pakiramdam ng pagkapahiya.

2. Takot na magsikap. Maaaring mahirap magbago. Ngunit anumang makabuluhan ay kailangang paghirapan at pagsikapan. Ang mga resulta ng pagpapasiyang magbago—kapatawaran, kapayapaan, at espirituwal na paglago—ay sulit na pagsikapan.

3. Takot na mabigo. Marahil ay nasubukan na ninyong magbago at palaging nauulit ang pagkakamali ninyong iyon. Siguro natatakot kayo na hindi na kayo maaaring magbago kailanman. Ngunit sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maaari kayong magbago! Hindi madaling magsisi, pero sa tulong ni Cristo, magagawa ninyo ito. Saklaw pa rin kayo ng Kanyang Pagbabayad-sala, dahil wala itong hangganan. Patuloy na magsikap at sumulong.

Maaaring parang nakakatakot magsisi, ngunit ang totoo, ito ang landas tungo sa tunay na kagalakan. Makasusumpong kayo ng tapang at lakas na isantabi ang mga takot na ito, baguhin ang inyong buhay, at lumapit pa sa Tagapagligtas.

Print