Ang Asawa Ko ay may Problema sa Pornograpiya. Paano Ako Makaka-recover?
Ang pitong mahahalagang pag-uugali na makatutulong sa asawa ng isang taong may problema sa pornograpiya na hindi lamang makayanan ang pighating dulot nito kundi makita rin ang pag-asang hatid nito. Ang mga pag-uugaling ito—na depende sa indibiduwal at sa kanyang sitwasyon—ay napatunayan, para sa marami, na mahalaga sa emosyonal, mental, at espirituwal na pagpapagaling.
Pag-uugali 1: Lunasan ang trauma ng pagtataksil. Alamin at harapin ang trauma, paninisi sa sarili, at iba pang mga reaksyon mo kapag natuklasan mo na may problema sa pornograpiya noon o ngayon ang iyong asawa.
Pag-uugali 2: Mag-ingat sa pagbabahagi. Paghahanap ng pag-unawa, suporta, at pagpapatibay sa pamamagitan ng angkop na pagbabahagi.
Pag-uugali 3: Muling palakasin ang pagtitiwala sa Diyos. Damhin at sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo para maibalik ang iyong tiwala at muling magtiwala sa Diyos.
Pag-uugali 4: Humingi ng tulong. Bukod sa paghingi ng payo sa mga priesthood leader, maghanap ng paraan para gumaling sa pamamagitan ng resources na tulad ng literatura, isang kwalipikadong therapist, isang tagapayo, o isang subok nang programa sa pagpapagaling.
Pag-uugali 5: Maging tapat at totoo. Makipag-usap nang regular sa mga mahal sa buhay tungkol sa personal na pagpapagaling at paggawa nito nang hayagan at tuwiran at sa matapat na paraan.
Pag-uugali 6: Magtakda ng mga hangganan. Magtakda ng mga angkop na hangganan kasama ang iyong asawa at magtatag ng isang istruktura para makakilos at gumaling.
Pag-uugali 7: Pangalagaan ang sarili. Gumawa ng pang-araw-araw na mga gawain na nagpapagaling at nangangalaga sa isipan, katawan, at espiritu.