Addiction Recovery Program
Gabay sa Pagrekober at Paggaling Mula sa Adiksiyon
Inihanda ng
LDS Family Services
Inilathala ng
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Salt Lake City, Utah
Ang LDS Family Services Addiction Recovery Program ay ginamit na batayan ang konsepto ng Twelve Steps of Alcoholics Anonymous World Services, Inc, sa pagbuo ng programang naglalakip sa mga doktrina, alituntunin, at paniniwala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang orihinal na Labindalawang Hakbang ay nakasulat sa ibaba, at ang Labindalawang Hakbang na ginamit sa programang ito ay makikita sa pahina iv.
Ang Labindalawang Hakbang ay inilimbag at inilathalang muli nang may pahintulot ng Alcoholics Anonymous World Services, Inc. (A.A.W.S.) Ang pahintulot na ilimbag muli at iakma ang Labindalawang Hakbang ay hindi nangangahulugang nirepaso o inapbrubahan ng A.A.W.S. ang nilalaman ng lathalaing ito, o kaya ay sumasang-ayon ang A.A.W.S. sa mga pananaw na ipinahayag dito. Ang A.A. ay programa ng paggaling mula sa mga nalulong lamang sa alak—ang paggamit ng Labindalawang Hakbang kaugnay ng mga programa at aktibidad na itinulad sa A.A., ngunit tumatalakay sa ibang problema, o anupamang konteksto na hindi nakapaloob sa A.A., ay hindi nagpapahiwatig na bahagi na ito ng A.A. Bukod pa rito, bagama’t ang programa ng A.A. ay espirituwal, ang A.A. ay hindi programang panrelihiyon. Samakatwid, ang, A.A. ay walang kaugnayan o hindi kaanib ng anumang sekta, o denominasyon, o partikular na paniniwala sa relihiyon.
Ang Labindalawang Hakbang ng Alcoholics Anonymous
-
Kami ay umamin na hindi namin kayang pigilan ang pag-inom ng alak—at naging magulo ang aming buhay.
-
Nagtiwala kami na may Kapangyarihang higit na malakas sa amin ang magbabalik ng aming katinuan.
-
Nagpasiya kaming ipaubaya ang aming kagustuhan at aming buhay sa pangangalaga ng isang Diyos ayon sa pagkaunawa namin sa Kanya.
-
Walang takot naming sinuri at ginawa ang imbentaryo ng aming buhay.
-
Inamin sa Diyos, sa aming sarili, at sa ibang tao ang tunay na nagawa naming pagkakamali.
-
Handa kami na linisin ng Diyos ang lahat ng aming kapintasan at kamalian.
-
Mapagkumbaba naming hiniling sa Kanya na alisin ang aming mga pagkakamali.
-
Isinulat ang pangalan ng lahat ng taong nasaktan namin, at itinama ang mga pagkakamali namin sa kanila.
-
Humingi ng tawad sa mga taong iyon hangga’t maaari, maliban na lamang kung makasasakit iyon sa kanila o sa iba.
-
Patuloy na gumawa ng personal na imbentaryo at nang magkamali kami ay kaagad na inamin ito.
-
Hiniling sa pamamagitan ng pagdarasal at pagninilay-nilay na mas mapalalim ang aming pakikipag-ugnayan sa Diyos ayon sa pagkaunawa namin sa Kanya, upang malaman ang gusto Niyang mangyari sa amin at bigyan kami ng lakas na magawa ito.
-
Sa pagkakaroon ng espirituwal na pagmulat dulot ng mga Hakbang na ito, sinikap naming ipahatid ang mensaheng ito sa mga nalulong sa alak, at ipamuhay ang mga alituntuning ito sa lahat ng aming ginagawa.
Alcoholics Anonymous World Services, Inc.®
© 2017 ng Intellectual Reserve, Inc.
Lahat ng karapatan ay nakalaan
Inilimbag sa Pilipinas
Pagsang-ayon sa Ingles: 6/02