LDS Family Services
Ang 12 Hakbang
Unang Hakbang
Tanggapin na ikaw, sa iyong sarili, ay walang kapangyarihang madaig ang iyong mga adiksiyon at ang iyong buhay ay naging magulo.
Ikalawang Hakbang
Maniwala na ang kapangyarihan ng Diyos ay makapagbabalik sa iyo sa lubos na espirituwal na kasiglahan.
Ikatlong Hakbang
Magpasiya na ibaling ang iyong kalooban at iyong buhay sa pangangalaga ng Diyos ang Amang Walang Hanggan at Kanyang Anak na si Jesucristo.
Ika-apat na Hakbang
Magnilay-nilay at sumulat nang walang takot ng moral na imbentaryo o pagsusuri ng iyong sarili.
Ikalimang Hakbang
Aminin sa iyong sarili, sa iyong Ama sa Langit sa pangalan ni Jesucristo, sa wastong awtoridad ng priesthood, at sa ibang tao ang tunay na nagawa mong pagkakamali.
Ika-anim na Hakbang
Maging lubos na handa upang maialis ng Diyos ang lahat ng kahinaan ng iyong pagkatao.
Ikapitong Hakbang
Mapagkumbabang hilingin sa Ama sa Langit na alisin ang iyong mga kamalian.
Ikawalong Hakbang
Gumawa ng listahan ng lahat ng taong nasaktan mo at maging handa na makipagkasundo sa kanila.
Ikasiyam na Hakbang
Hangga’t maaari, tuwirang makipagkasundo sa lahat ng taong nasaktan mo.
Ikasampung Hakbang
Magpatuloy sa pagsusuri ng sarili, at kapag nagkamali ka, agad itong aminin.
Ikalabing-isang Hakbang
Hangarin sa pamamagitan ng panalangin at pagninilay-nilay na malaman ang kalooban ng Panginoon at magkaroon ng lakas na isagawa ito.
Ikalabindalawang Hakbang
Dahil napukaw ang iyong espirituwalidad sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ibahagi ang mensaheng ito sa iba at gawin ang mga alituntuning ito sa lahat ng iyong ginagawa.