“1 Nephi 6–10: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“1 Nephi 6–10: Buod,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
1 Nephi 6–10
Buod
Si Lehi ay nagkaroon ng pangitain kung saan nakita niya ang isang magandang puno. Ang punong ito at ang bunga nito ay kumakatawan sa pag-ibig ng Diyos, at “pinuspos nito ang kaluluwa ni [Lehi] ng labis na kagalakan” (1 Nephi 8:12). Sa pamamagitan ng kanyang pangitain, nalaman ni Lehi ang tungkol sa landas na dapat nating tahakin at kung paano manatili rito upang matamasa ang mga pagpapala ng pagmamahal ng Diyos. Matapos marinig ang pagtuturo ni Lehi tungkol sa punungkahoy ng buhay at sa propesiya tungkol sa pagparito ni Cristo, hinangad ni Nephi na malaman ang katotohanan ng mga salita ng kanyang ama para sa kanyang sarili.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Nephi 6–7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano makatutulong sa kanila ang mga layunin ng Aklat ni Mormon sa kanilang pag-aaral at sa kanilang buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na gawin ang kanilang personal na pag-aaral ng Aklat ni Mormon sa araw-araw. Anyayahan sila na isipin ang kanilang karanasan sa pag-aaral ng Aklat ni Mormon at kung ano ang natututuhan nila.
-
Video: “Sumama ang Pamilya ni Ismael sa Pamilya ni Lehi” (12:24)
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari mong isadula ang sitwasyon sa simula ng lesson sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga estudyante at pagsasabi sa kanila na i-type ang kanilang mga sagot sa chat. Maaaring makatulong na atasan ang isang estudyante na maging moderator ng chat at basahin ang mga sagot habang nagdadatingan ang mga ito. Pasalamatan ang mga estudyante sa kanilang mga sagot at magbigay ng anumang follow-up na tanong na maaaring makadagdag ng kaalaman.
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng paghahanap ng katotohanan mula sa sources na buong pagmamahal na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Hilingin sa mga estudyante na isipin ang mahahalagang tanong o alalahanin nila at ang iba’t ibang sources kung saan sila maaaring maghanap ng mga sagot. Hikayatin silang maging handang magbahagi ng halimbawa ng isa sa sources na ito o magdala ng isa nito sa klase.
-
Mga Item: Isang pitsel ng malinis na inuming tubig at isang malinaw na baso; maaari din ang isang palanggana ng tubig, sabon para sa kamay, at tuwalya
-
Handout: “Paggamit ng Sources na Itinalaga ng Diyos”
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Para sa aktibidad sa ilalim ng “Paggamit ng sources na itinalaga ng Diyos,” maaari mong ipakita ang mga tagubilin sa screen at sabihin sa mga estudyante na i-screenshot ito. Maaari mo ring ilagay ang mga tagubilin sa chat feature at sabihin sa mga estudyante na kopyahin at i-paste ang mga ito sa isang dokumento sa sarili nilang device. Pagkatapos ay igrupu-igrupo ang mga estudyante sa mga breakout room para talakayin at gawin ang aktibidad sa pag-aaral nang magkakasama.
1 Nephi 8:1–18
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mapatindi ang kanilang hangaring makadama ng kagalakan sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos at Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Sa paanong paraan madarama ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Kailan mo nadama ang pagmamahal Niya sa iyo? Maaari ding kausapin ng mga estudyante ang isang kamag-anak o lider ng Simbahan tungkol sa nadarama nilang pagmamahal ng Diyos para sa kanila.
-
Mga Video: “Cristo: Ang Ilaw na Nagliliwanag sa Kadiliman” (11:29; panoorin mula sa time code na 0:00 hanggang 0:54 at mula sa time code na 9:09 hanggang 10:02); “Ang Liwanag ay Kumukunyapit sa Liwanag” (11:11; panoorin mula sa time code na 0:32 hanggang 2:33); “Nakita ni Lehi ang Punungkahoy ng Buhay” (4:32; panoorin mula sa time code na 1:52 hanggang 4:32); “Dahil sa Kanya” (2:36)
-
Larawan: Isang larawan ni Maria na karga ang sanggol na si Jesus
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Para sa aktibidad 2 sa ilalim ng “Pagdama sa pagmamahal at dakilang kagalakan ng Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo,” maaari mong i-download ang mga video at hayaang pumili ang mga estudyante kung alin ang panonoorin nila. Bilang alternatibo, igrupu-grupo sa mga breakout room ang mga estudyante, at mag-assign ng isa sa mga video sa bawat grupo. Kailangang i-play ng isang estudyante sa bawat grupo ang video at kailangan niyang i-share ang kanyang screen para sa iba pang mga miyembro ng grupo. Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan at talakayin ang mga pagpapalang matatamo sa pamamagitan ni Jesucristo. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng bawat grupo sa klase ang napag-usapan nila.
1 Nephi 8:19–38
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na masunod ang salita ng Diyos na gagabay sa kanila patungo sa Kanyang mga pinakadakilang pagpapala.
-
Paghahanda ng estudyante: Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang 1 Nephi 8:19–34 para maging pamilyar sa mga simbolo sa pangitain ni Lehi at maging handang talakayin ang mga ito sa klase.
-
Larawang ipapakita: Isang larawan ng pangitain ni Lehi
-
Video: “Nakakita si Lehi ng Gabay na Bakal at ng mga Taong Nagsilayo” (3:30)
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Sa halip na ipadrowing sa mga estudyante ang mga bahagi ng pangitain, maaari mong ipalabas ang video at i-pause ito sa tuwing ipapakita ang isa sa mahahalagang elemento. Maaaring sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga ideya nila tungkol sa simbolismo at alamin kung ano ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol dito. Para makapaghanda para sa klase, maaari mong isulat ang time code para sa bawat sandali kung kailan dapat i-pause ang video.
1 Nephi 10; 11:1–6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na masigasig na maghangad ng kaalaman mula sa Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang magulang o lider ng kabataan kung ano ang ginagawa nila upang masigasig na maghangad ng katotohanan mula sa Diyos o kung paano inihahayag ng Espiritu Santo ang katotohanan sa kanila. Hikayatin ang mga estudyante na dumating na handang magbahagi ng ideya sa klase.
-
Video: “Paano ko Ginagawang #PakingganSiya: Elder Ronald A. Rasband” (2:55)
-
Mungkahi sa pagtuturo para sa videoconference: Maaari kang gumamit ng digital whiteboard para makatulong ang mga estudyante sa paglilista ng mga paraan sa masigasig na paghahangad ng katotohanan mula sa Diyos at ng mga paraan kung paano inihahayag ng Diyos ang katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.