“Eter 6–11: Buod,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Eter 6–11,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Eter 6–11
Buod
Bagama’t mahaba at mahirap ang kanilang paglalakbay, natanto ng mga Jaredita na tinutulungan sila ng Panginoon habang naglalakbay. Pagdating nila sa lupang pangako, nais ng mga tao na pumili ng isang hari, na sa babala ng kapatid ni Jared ay hahantong sa pagkabihag. Hindi pinakinggan ng mga tao ang babalang ito, at nagresulta ito ng mabibigat na ibubunga sa maraming henerasyon. May nabuong mga lihim na pagsasabwatan sa kanila at kalaunan ay humantong ito sa kanilang pagkalipol.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang maaaring kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Eter 6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na ihalintulad ang mga banal na kasulatan upang malaman ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila sa kanilang paglalakbay sa buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang “Lihim na Pagsasabwatan, Mga” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org
-
Nilalamang ipapakita: Ang apat na hakbang sa paghahalintulad ng mga banal na kasulatan
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Kapag nakapagsanay na ang mga estudyante na ihalintulad ang mga banal na kasulatan sa kanilang sarili, maaari mo silang ilagay sa breakout room para ibahagi sa ilang kaklase nila ang natutuhan nila.
Eter 7–11
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pagsunod sa mga propeta ng Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng ilan sa mga payo o babala ng propeta na natanggap natin sa ating panahon. Maaari silang makakita ng mga halimbawa sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2022) o sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya kamakailan.
-
Larawan: Isang tao sa isang selda
-
Mga Materyal: Mga Kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili (buklet, 2022) at mga bagong edisyon ng pangkalahatang kumperensya ng Liahona para sa mga estudyanteng walang digital access sa mga ito
-
Video: “Ang Kagyat na Kabutihan ng Diyos” (11:39; panoorin mula sa time code na 3:37 hanggang 6:33)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Habang gumagawa ang mga estudyante ng listahan ng mga makabagong babala ng mga propeta na makatutulong sa atin na maiwasan ang pagkabihag, maaari mong gamitin ang whiteboard feature para maisulat nila ang kanilang mga sagot sa mga tanong. Maaari mo silang anyayahang ipaliwanag kung bakit ganoon ang naging sagot nila at kung paano ipinapakita ng mga babalang ito ang pagmamahal at mga hangarin ng Diyos para sa atin.
Eter 8
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na kailangang tanggihan ang mga lihim na pagsasabwatan sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maging pamilyar sa kahulugan ng mga lihim na pagsasabwatan sa pamamagitan ng pag-aaral ng buod sa ilalim ng heading na “Eter 8:7–26: Ang Panginoon ay Hindi Gumagawa sa mga Lihim” sa outline sa pag-aaral ng “Eter 6–11: ‘Upang ang Kasamaan ay Mawakasan’” sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Aklat ni Mormon 2024.
Eter 12:1–22
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na sumampalataya upang makatanggap ng espirituwal na patotoo sa katotohanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan kung saan ang matatapat na pagkilos ay humantong sa mga espirituwal na patotoo, pagpapala, o sagot mula sa Diyos.
-
Mga Video: “Gawin ang Pinakamahalaga” (10:45; manood mula sa time code na 1:56 hanggang 2:34 at mula sa time code na 2:34 hanggang 3:10); “The Sustaining Power of Faith in Times of Uncertainty and Testing” (15:54; manood mula sa time code na 5:08 hanggang 5:53); “Pure and Simple Faith” (5:21)
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Bago magklase, sabihin sa isa o mahigit pang estudyante na maghandang magbahagi ng mga karanasan kung saan sila o ang iba ay nakatanggap ng espirituwal na patotoo dahil sa pagpapamuhay ng ebanghelyo ng Tagapagligtas.
Doctrinal Mastery: Eter 12:6
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Eter 12:6, maipaliwanag ang doktrinang itinuturo sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga scripture passage na makatutulong sa isang tao na sumampalataya kay Jesucristo. Maaari nilang saliksikin ang paksang “Pananampalataya” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan para makahanap ng mga banal na kasulatan.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa videoconference: Maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo sa mga breakout room para talakayin ang sitwasyon. Kung pipiliin mo ang opsiyon na ito, tiyaking ipakita sa chat ang mga tanong sa talakayan para matingnan ng mga estudyante ang mga ito.