“Doktrina at mga Tipan 64–66: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan (2025)
“Doktrina at mga Tipan 64–66,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Doktrina at mga Tipan
Doktrina at mga Tipan 64–66
Doktrina at mga Tipan 64–66
Buod
Bumalik si Joseph Smith at iba pang mga elder sa Ohio mula sa Missouri. Sa paglalakbay, may ilang elder na hindi nagkasundo ngunit karamihan sa kanila ay muling nagkasundo. Habang naghahandang lumipat sa Hiram, Ohio, at tinutulungan ang iba na maghandang maglakbay patungong Missouri, natanggap ni Joseph Smith ang paghahayag sa Doktrina at mga Tipan 64. Iniutos ng Panginoon sa paghahayag na patawarin ng mga miyembro ng Simbahan ang isa’t isa at itinuro Niya sa kanila ang mga sakripisyong hinihingi Niya. Sa Doktrina at mga Tipan 65, inihayag Niya na ang ebanghelyo ay dadalhin sa lahat ng bansa bilang paghahanda para sa Ikalawang Pagparito at dapat ipanalangin ng mga Banal ang pag-unlad ng kaharian ng Diyos.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya kung ano ang maaaring kailangang ihanda mo nang maaga para sa bawat lesson.
Doktrina at mga Tipan 64:1–17
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na matularan ang halimbawa ni Jesucristo at maging mas mapagpatawad.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang tao sa kanilang buhay na maaaring nangangailangan ng kanilang pagpapatawad.
-
Mga Video: “Forgiveness: My Burden Was Made Light” (8:24); “Maligaya Magpakailanman” (13:09; panoorin mula sa time code na 9:47 hanggang 10:39); “Ang Ministeryo ng Pakikipagkasundo” (16:12; panoorin mula sa time code na 10:11 hanggang 11:23)
-
Larawang ipapakita: Ang Tagapagligtas
Doktrina at mga Tipan 64:20–43
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring ibigay sa Panginoon ang kanilang puso at may pagkukusang isipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Bago ang lesson na ito, ibigay sa mga estudyante ang pariralang “Hinihingi ng Panginoon ang puso at may pagkukusang isipan” (Doktrina at mga Tipan 64:34). Sabihin sa kanila na isipin ang kahulugan ng pariralang ito o kung paano natin maibibigay sa Panginoon ang ating puso at may pagkukusang isipan.
-
Maghikayat ng paghahanda para sa mga karanasan sa pagkatuto: Ang nakaraang ideya sa paghahanda ng estudyante ay isang halimbawa kung paano maghikayat ng paghahanda para sa mga karanasan sa pagkatuto. Para sa karagdagang pagsasanay rito, tingnan ang training na may pamagat na “Gumawa ng mga paanyaya na tutulong sa mga mag-aaral na maghanda para sa susunod na karanasan sa pagkatuto” na matatagpuan sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro: Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral.
-
Mga larawang ipapakita: Ang bukid ni Isaac Morley; puso at isipan na madaling maakit
Doktrina at mga Tipan 65
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang papel na ginagampanan ng Simbahan sa paghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng katibayan ng pag-unlad ng Simbahan. Maaari nilang talakayin sa isang magulang o miyembro ng kanilang ward kung paano nila nakitang lumaganap ang Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo. newsroom.ChurchofJesusChrist.org.
-
Video: “Pag-asa ng Israel” (1:01:34; panoorin mula sa time code na 51:42 hanggang 52:04)