Pag-aaral ng Ingles
Lesson 25: Magrebyu


“Lesson 25: Magrebyu,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral (2022)

“Lesson 25,” EnglishConnect 1 para sa mga Mag-aaral

magkakaibigang naglalakad sa lansangan

Lesson 25

Review

Layunin: Magrerebyu ako ng EnglishConnect 1 at magninilay tungkol sa aking karanasan.

Personal Study

Maghanda para sa iyong conversation group sa pamamagitan ng pagkumpleto sa aktibidad A hanggang E.

icon a
Study the Principle of Learning: Learn by Study and by Faith

Matuto sa Pamamagitan ng Pag-aaral at Pananampalataya

I can rely on God to seek learning by study and by faith.

Maaari akong umasa sa Diyos na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

Binigyan na tayo ng Panginoon ng isang pattern sa pagkatuto:

“Masigasig na maghanap at turuan ang bawat isa ng mga salita ng karunungan; oo, maghanap kayo sa pinakamabubuting aklat ng mga salita ng karunungan; maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).

Pagnilayan ang mga karanasan mo sa EnglishConnect. Paano mo nagamit ang pattern na ito? Pagnilayan ang mga alituntunin ng pagkatuto at mga pahayag na magkakasama nating natutuhan:

  • “Ikaw ay anak ng Diyos”—Ako ay anak ng Diyos na may walang-hanggang potensyal at layunin.

  • “Manampalataya kay Jesucristo”—Matutulungan ako ni Jesucristo na gawin ang lahat ng bagay kapag nanampalataya ako sa Kanya.

  • “Tanggapin ang Responsibilidad”—May kapangyarihan akong pumili, at ako ang responsable sa sarili kong pagkatuto.

  • “Mahalin at turuan ang isa’t isa”—Maaari akong matuto mula sa Espiritu kapag ako ay nagmahal, nagturo, at natuto na kasama ang iba.

  • “Magpatuloy sa paglakad”—Sa tulong ng Diyos, maaari akong magpatuloy sa paglakad kahit maharap ako sa mga balakid.

  • “Sumangguni sa Panginoon”—Pinaghuhusay ko ang aking pag-aaral sa pamamagitan ng pagsangguni sa Diyos araw-araw tungkol sa aking mga pagsisikap.

Maaaring patapos na ang iyong EnglishConnect group, ngunit marami pang ibang bagay na nais ng Diyos na matutuhan at maranasan mo. Mahal ka ng iyong Ama sa Langit at nais ka Niyang tulungang maabot ang iyong banal na potensyal. Maaari kang umasa sa Diyos at patuloy na “maghangad na matuto, sa pamamagitan ng pag-aaral at gayundin sa pamamagitan ng pananampalataya.”

lalaki at babaeng nakangiti

Ponder

  • Paano mo naranasan ang pag-ibig at tulong ng Diyos sa pagkatuto ng Ingles?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntunin ng pagkatuto sa EnglishConnect?

  • Paano mo magagamit ang mga alituntuning ito ng pagkatuto sa iba pang mga aspeto ng iyong buhay?

icon b
Prepare for Activity 1

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 1. Tingnan ang listahan ng mga paksa. Sumulat ng isang tanong na maaari mong itanong tungkol sa bawat paksa. Basahin nang malakas ang iyong mga tanong.

Mga Paksa

icon c
Prepare for Activity 2

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 2. Tingnan ang listahan ng mga paksa. Sumulat ng isang tanong na maaari mong itanong tungkol sa bawat paksa. Basahin nang malakas ang iyong mga tanong.

Mga Paksa

icon d
Prepare for Activity 3

Basahin ang mga tagubilin para sa aktibidad 3. Mag-isip tungkol sa iyong lungsod. Sumulat ng tatlong tanong at sagot tungkol sa lungsod. Basahin ang mga iyon nang malakas. Tingnan ang lesson 21 at lesson 22 para sa bokabularyo at mga pattern.

Additional Activities

Kumpletuhin online ang mga aktibidad at assessment sa lesson sa englishconnect.org/learner/resources o sa EnglishConnect 1 Workbook.

Act in Faith to Practice English Daily

Patuloy na magpraktis ng Ingles araw-araw. Gamitin ang iyong “Tracker sa Personal na Pag-aaral.” Rebyuhin ang iyong mithiin sa pag-aaral at i-evaluate ang iyong mga pagsisikap.

Conversation Group

Discuss the Principle of Learning: Learn by Study and by Faith

(20–30 minutes)

lalaki at babaeng nakangiti

icon 1
Activity 1: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Magtanong at sumagot sa mga tanong tungkol sa iyong pangalan, sa kalagayan mo ngayon, kung tagasaan ka, tungkol sa iyong pamilya, at tungkol sa iyong tahanan. Magsalitan.

Example

binatilyong nakasuot ng amerikana na nakangiti
  • A: Hi. My name is Ana. What’s your name?

  • B: Hi, Ana. My name is Niko. How are you?

  • A: I am great. Thanks. How about you?

  • B: I am well. Thanks for asking.

  • A: Where are you from?

  • B: I’m from Brazil. And you?

  • A: Nice. I’m from Guatemala. How many people are in your family?

  • B: There are seven people in my family.

  • A: That’s a big family. Do you live in a house or in an apartment?

  • B: I live in an apartment.

icon 2
Activity 2: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Magtanong at sumagot sa mga tanong kung ano ang gusto mong gawin, ang iyong araw-araw na gawain, at anong pagkain ang kinakain mo. Magsalitan. Magpalitan ng partner at muling magpraktis.

New Vocabulary

banana

saging

blender

blender

orange

orange

peach

peach

smoothie

smoothie

strawberry

strawberry

Example

  • A: What do you like to do?

  • B: I like to read. Do you like to read?

  • A: Yes, I like to read too. Do you read every day?

  • B: Yes, I read every day. Before I go to bed, I read. What food do you like?

  • A: I like fruit because it’s delicious.

  • B: Me too! I eat a smoothie for breakfast every morning.

  • A: Wow! How do you make it?

  • B: First, put an orange, a banana, strawberries, and peaches in a blender. Then, mix all the fruit together.

icon 3
Activity 3: Create Your Own Conversations

(10–15 minutes)

Isadula ang sitwasyon. Si partner A ang magtatanong. Si partner B ang sasagot sa mga tanong. Magpalitan ng ginagampanang papel.

Partner A

Binibisita mo ang lungsod ni partner B.

Hilingin sa partner mo:

  • Na magkuwento sa iyo tungkol sa lungsod nila.

  • Ang mga direksyon mula sa kinaroroonan mo hanggang sa iba pang mga lugar sa lungsod.

Partner B

Nakatira ka sa lungsod na ito.

Magkuwento sa partner mo:

  • Tungkol sa iyong lungsod.

  • Kung paano makarating sa ibang mga lugar sa lungsod.

Example

  • A: This is my first time in this city. Tell me about the city.

  • B: It is big and busy.

  • A: Where is the train station?

  • B: It’s on D Street.

  • A: How do I get there from the grocery store?

  • B: Turn right on Main Street. Go straight. Turn left on D Street. The train station is across from the bank.

mapa ng mga gusali sa lungsod

Reflection

(5–10 minutes)

Binabati ka namin! Malayo na ang narating mo. Ipinagmamalaki namin ang lahat ng pagsisikap at panahong ginugol mo sa pagkatuto ng Ingles.

Pagnilayan ang mga karanasan mo sa EnglishConnect 1 at magtakda ng mga mithiin para sa hinaharap.

  • Magbahagi ng tatlong bagay na natutuhan mo na pinaka-nakatulong sa iyo.

  • Paano mo patuloy na paghuhusayin ang iyong Ingles?

  • Isipin ang mga alituntunin ng pagkatuto. Paano mo magagamit ang mga alituntuning ito sa buhay mo?

Ang Iyong Susunod na Hakbang

Ngayong nakumpleto mo na ang EnglishConnect 1, isiping tumuloy sa EnglishConnect 2. Para malaman ang iba pa, bumisita sa join.englishconnect.org.

Hindi handang magsimula sa EnglishConnect 2? Patuloy na matuto ng Ingles sa EnglishConnect 1.

Anuman ang susunod mong gagawin, tandaan na ikaw ay anak ng Diyos at matutulungan ka Niyang umunlad.

Act in Faith to Practice English Daily

“Kunin ang lahat ng edukasyong kaya mo. … Edukasyon ang susi na magbubukas sa pintuan ng mga oportunidad para sa inyo. Sulit itong pagsakripisyuhan. Sulit itong pagsikapan, at kung tuturuan ninyo ang inyong isipan at mga kamay, malaki ang maiaambag ninyo sa lipunang inyong ginagalawan, at magiging marangal na halimbawa kayo sa Simbahang inyong kinasasapian” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley [2016], 270).