Pornograpiya
Paano ako makahahanap ng pag-asa?


“Paano ako makahahanap ng pag-asa?” Tulong para sa mga Asawa (2021)

“Paano ako makahahanap ng pag-asa?” Tulong para sa mga Asawa

Larawan
lalaki at babae na nag-uusap

Paano ako makahahanap ng pag-asa?

Ang unang hakbang sa pagsulong ay ang pag-usapan ninyo nang tapat ng iyong asawa ang paggamit niya ng pornograpiya. Tutulungan ka nitong matukoy ang mga hakbang na gagawin mo sa hinaharap. Isiping magsimula sa panalangin, at hikayatin ang iyong kabiyak na lubos na ipagtapat kung gaano kalala ang paggamit niya ng pornograpiya. Ang pag-uusap na ito ay malamang na magiging mahirap para sa iyo, ngunit tandaan na magiging mahirap din ito para sa iyong asawa. Ang pagkabagabag ng konsiyensya at kalungkutan ay tila napakabigat sa taong nagsasabi ng kanyang paghihirap. Lubos na makatutulong ang inyong pag-uusap kapag ginabagayan ito ng habag at pagdamay.

Maaaring naisin ng iyong asawa na isulat ang kanyang ipagtatapat bago kayo mag-usap para matiyak na naipagtapat niya ang lahat nang may pagsasalang-alang sa mararamdaman mo. Magtanong at sikaping maipagtapat ng iyong asawa ang hinggil sa:

  • Uri ng pornograpiya na ginagamit.

  • Gaano na katagal gumagamit ng pornograpiya ang iyong asawa.

  • Gaano kadalas gumagamit ng pornograpiya ang iyong asawa.

  • Anumang iba pang uri ng pagtataksil o pagsira ng tiwala.

Dapat mong malaman na ang pagtalakay sa mga partikular na ginagawa ng iyong asawa ay maaaring hindi kailangan o hindi makatutulong sa iyo. Ang mithiin mo ay unawain ang nangyayari. Ang mabubuting kaisipan ay makatutulong sa iyo na mapaglabanan ang iyong damdamin. Gayunman, karaniwang mahihirapan kang iwaksi ang masasamang kaisipan, tulad ng:

  • Kaagad na pagbibigay ng konklusyon batay sa iilang katibayan.

  • Pagpapalala ng mga bagay-bagay o pag-iisip ng mga pinakamalalang posibleng kalalabasan.

  • Hindi pagbibigay ng pagkakataon o hindi gustong makipagkompromiso.

  • Pag-iisip na pare-pareho lang ang sitwasyon o pagkukumpara ng sitwasyon ninyo sa iba na maaaring hindi tumpak.

Ang mga pag-uugali at kaisipang ito ay bihirang humantong sa anumang mabubuting desisyon. Mag-ukol ng oras na maghinay-hinay, hangaring maunawaan ang damdamin at pag-uugali ng iyong asawa, at bigyan ng sapat na panahon at espasyo ang iyong sarili na makapagdesisyon.

Sikapin na maiwasang talakayin ang mahihirap na isyu kapag nasa katindihan pa ang init ng ulo at damdamin. Maaaring makatulong sa iyo na magsama ng isang pinagkakatiwalaang kaibigan o kapamilya, lider ng Simbahan, o mental health professional para makatulong na mamagitan sa matensyong pag-uusap.

Karagdagang mga Ideya

Sikaping isulat ang ilan sa mga naiisip at nadarama mo. Ang pagsusulat o pagtatala sa journal ay kadalasang magandang paraan para maproseso mo ang iyong mga karanasan.

Isipin kung paano sasabihin sa iyong asawa na dapat ninyong pag-usapan ang paggamit niya ng pornograpiya. Paano mo ito magagawa sa paraang makatutulong sa iyo at sa iyong asawa na magkaroon ng bukas at tapat na pag-uusap? Anong uri ng mga tanong ang itatanong mo para malaman kung ano ang kailangan mong malaman?

Suriin ang mga ugnayan mo sa ibang tao, at maging malapit sa mga taong nagpapalakas sa iyo. Ang mapagkakatiwalaang mga kapamilya at kaibigan ay makatutulong sa iyo na makayanan ang mga naiisip at nararamdaman mo.

Maghanap ng iba pang resources, impormasyon, at koneksyon sa iba sa pamamagitan ng Spouse and Family Support program ng Simbahan.

Print