Pornograpiya
Buod para sa Mag-asawa


“Buod para sa Mag-asawa,” Tulong para sa mga Asawa (2021)

“Buod para sa Mag-asawa,” Tulong para sa mga Asawa

mag-asawang magkayakap

Buod para sa Mag-asawa

Kung natuklasan mo na nanonood ng pornograpiya ang iyong asawa, normal lang na matitinding emosyon ang maramdaman mo. Maaaring makadama ka ng galit, pagkalito, suspetsa, pagtanggi, kawalan ng direksyon, o pagkabigla. Maaaring hindi mo alam kung paano mo ito makakayanan, saan lalapit, o ano ang susunod mong mga hakbang.

Mahalagang malaman na kadalasan ay maraming bagay ang nakaiimpluwensya sa paggamit ng pornograpiya, at kung minsan ay kumplikado ang mga ito. Maaaring hindi lubos na nauunawaan ng iyong asawa kung bakit siya gumagamit ng pornograpiya. Ngunit huwag mo sanang sisihin ang iyong sarili.

Sa pagsulong mo nang may pananampalataya, mapapanatag ka na malaman na hindi ka nag-iisa. Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf: “Hindi na kayo mag-iisa, malulungkot, masasaktan, o panghihinaan ng loob magpakailanman. Tapat na ipinangako sa atin ng Diyos na hindi Niya kalilimutan ni tatalikdan ang mga nagmamahal sa Kanya. Umasa at manalig sa pangakong iyan.”1