Pornograpiya
Humingi ng Suporta


“Humingi ng Suporta,” Tulong para sa mga Asawa (2021)

“Humingi ng Suporta,” Tulong para sa mga Asawa

Humingi ng Suporta

Bukod pa sa pag-asa sa Panginoon, ang paghingi ng suporta sa iba ay makatutulong habang nakararanas ka ng matitinding pagsubok sa buhay.

Ibinahagi ng isang lalaki ang kanyang paghihirap na makitang patuloy na nalululong ang kanyang asawa sa mga nireresetang gamot. Lahat ng kanyang lakas ay nakatuon sa ginagawa nito at kung ano ang magagawa niya upang pigilan ito—doon na umiikot ang kanyang buhay. Nang iwan ng kanyang asawa ang pamilya, nakadama siya ng kahihiyan, pagtatakwil, at takot na walang sinumang makauunawa sa pinagdaraanan niya at hindi siya makapagpapatuloy. Nang matanto niya na kailangan niya ng tulong para sa kanyang sarili, dumalo siya sa isang support group para sa mga kapamilya at kaibigan ng mga taong may adiksiyon. Natuto siyang humingi ng suporta mula sa iba.

Maraming tao ang nakadarama ng takot o kahinaan kapag ibinabahagi ang kanilang mga paghihirap. Gayunman, katanggap-tanggap at mahalagang humingi ng tulong. Nangako ang Panginoon, “Sapagkat ako, ang Panginoon mong Diyos, ang humahawak ng iyong kanang kamay; ako na nagsasabi sa iyo, Huwag kang matakot, ikaw ay aking tutulungan” (Isaias 41:13).

Print