Pornograpiya
Magtakda ng mga Hangganan o Limitasyon


“Magtakda ng mga Hangganan o Limitasyon,” Tulong para sa mga Asawa (2021)

“Magtakda ng mga Hangganan o Limitasyon,” Tulong para sa mga Asawa

Magtakda ng mga Hangganan o Limitasyon

Isang ina ang gumugol ng maraming taon ng kanyang buhay sa pagsisikap na tulungan ang isang anak na may adiksiyon at gumagawa ng iba pang mga maling pagpili. Pakiramdam niya ay bigo siya dahil hindi niya mailigtas ang kanyang anak mula sa mga pinili nitong gawin. Maraming taon na lumayo ang kanyang anak sa pamilya. Nang unti-unting simulang buuin ng kanyang anak ang kanilang ugnayan, nagtakda siya ng mga hangganan o limitasyon ng mga bagay na papayagan at hindi niya papayagan sa kanyang tahanan. Ang mga hangganang ito ay nagprotekta sa kanya at tumiyak na hindi niya makukunsinti ang adiksyon ng anak. “Tutulungan tayo ng mga hangganang itinakda natin na matugunan ang ating mga pangangailangang espirituwal, emosyonal, at pisikal at madama sa dakong huli na tayo’y ligtas at payapa.”

Ang masasamang pagpili ay umuusbong nang palihim, at panloloko ang pundasyon nito. Ang isang kritikal na panahon ng pagbabago para sa ating mga mahal sa buhay ay nangyayari kapag naunawaan nila ang papel ng paglilihim at panloloko sa paggawa ng kanilang mga maling pagpili. Kapag nagsisinungaling sa atin ang mga mahal natin sa buhay o niloloko nila tayo at binibigyang-katwiran ang masamang pag-uugali nila, nawawalan tayo ng tiwala sa kanila. Bukas at tapat na komunikasyon ang simula ng muling pagkakaroon ng tiwala.

Print