Prison Ministry
Pambungad


“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Pambungad,” Ministeryo sa Bilangguan

A man, presumably a chaplain or member of a bishopric, sits in a room visiting with an inmate. They appear to be in conversation together.   Special Services of the Priesthood department has requested that PSD capture images of various Correctional facilities that will be used on websites and curriculum targeted to spiritually support LDS members in correctional confinement and their families.

Pambungad

Bilang lider ng Simbahan, sinusunod mo ang halimbawa ni Jesucristo habang nagmiminister ka sa mga naapektuhan ng krimen at pagkabilanggo. Kilala at mahal ng Ama sa Langit ang Kanyang mga anak, at ang tungkulin mo sa Simbahan na magminister sa bilangguan ay tutulong sa marami na matuto, umunlad, at magkaroon ng mga huwaran ng pamumuhay na gagabay sa kanila habang umuunlad sila sa landas patungo sa kanilang Tagapagligtas. Ang mga pangyayari na humahantong sa pagkabilanggo ng isang indibiduwal ay kadalasang napakasakit at nangangailangan ng pagpapagaling, pagbangon, at pagpapatawad. Sa pagminister mo, tutulungan mo ang Panginoon na sagipin ang Kanyang mga anak, pagandahin ang kanilang kinabukasan, at muling pagsamahin sila ng kanilang pamilya.

Inaanyayahan ang mga lider na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Malinaw ba nating natukoy ang mga indibiduwal at pamilyang apektado ng krimen at pagkabilanggo, at alam ba natin kung ano ang kailangan nila?

  • Tinawag at inihanda ba natin ang mga miyembro sa ating stake para tumulong?

  • Nauunawaan ba natin ang layunin at ninanais na resulta ng ating mga pagsisikap?

  • Pamilyar ba tayo sa mga tuntunin sa bilangguan sa lugar at sa resources ng komunidad na makakatulong sa iba?

  • Inihanda na ba natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral at panalangin para maisagawa ang ministering na ito?

Pagsisimula

2:19
5:34

Maraming masalimuot at mahirap na mga realidad ang dapat maunawaan upang magawa ang gawaing ito. Ang mga tuntunin na ito ay hindi tutugon sa bawat sitwasyon, ngunit magbigay sana ito sa iyo ng mga kinakailangang alituntunin upang magawa ang gawaing ito. Ang kakayahan nating pagpalain ang iba na apektado ng krimen at pagkabilanggo ay nadaragdagan kapag nakita natin ang mga bagay-bagay kung ano talaga ito at naglingkod sa paraang nagpapakita ng pag-unawang iyan.