Prison Ministry
Mga Responsibilidad ng Stake


“Mga Responsibilidad ng Stake,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Mga Responsibilidad ng Stake,” Ministeryo sa Bilangguan

Counsel with the Council

Mga Responsibilidad ng Stake

Pinamamahalaan ng stake president ang mga ginagawang ministeryo sa bilangguan sa hangganang nasasakupan ng stake at pinagpapasiyahan ang uri ng suporta na ibibigay sa correctional facility. Kabilang sa mga pagsisikap na ito ang pagsuporta sa mga adult at kabataan nakakulong. Maaaring mag-organisa ng stake prison ministry group para suportahan ang gawaing ito. Kadalasan, ang grupo ay binubuo ng stake president o isa sa kanyang mga counselor, isang high councilor, miyembro ng stake Relief Society presidency, at iba pang mga mag-asawa o indibiduwal na tinawag mula sa stake. Sa ilang pagkakataon, ang pag-oorganisa ng isang branch ng Simbahan ay maaaring mas magbigay ng kinakailangang suporta (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 37.6). Lahat ng ginagawang ministering ay dapat sumunod sa mga tuntunin ng lokal na administrasyon ng bilangguan.

Nagtutulungan din ang mga lider ng stake at ward para pangalagaan ang mga bagong pinalaya mula sa pagkakakulong. Sila ang nangangalaga sa mga pamilya na may mahal sa buhay na nakakulong.

Kapag ang stake ay nangangailangan ng tulong sa pagbibigay ng serbisyo sa bilangguan o kulungan na nasasakupan nito, maaaring atasan ng Area Presidency na tumulong ang isa o mahigit pang kalapit na stake.