Prison Ministry
Pamamahala ng mga Rekord at Resource


“Pamamahala ng mga Rekord at Resource,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Pamamahala ng mga Rekord at Resource,” Ministeryo sa Bilangguan

Woman's hands searching for file in filing cabinet. Tops of colored files show. (horiz)

Pamamahala ng mga Rekord at Resource

Pagkuha ng mga Membership Record

Sa maraming sitwasyon, ang membership status ng isang adult na nakakulong ay hindi alam, kahit ng mismong indibiduwal. Ang pag-alam sa membership status ng isang indibiduwal ay mahalaga para sa kanyang pag-unlad sa landas patungo sa Tagapagligtas. Gayunman, hindi kailangang hintayin ng mga lider na makuha muna ang rekord bago tulungan ang isang tao na magsisi, tumanggap ng mga pagpapala, at lumapit kay Jesucristo.

Sundin ang mga tuntuning ito kapag nagpapasiya kung saan itatabi o ililipat ang mga rekord ng isang nakakulong na miyembro:

  • Kung ang sentensiya sa indibiduwal ay mas mababa sa anim na buwan, ang kanyang membership record ay dapat manatili sa kanyang home ward.

  • Kung ang sentensiya sa isang indibiduwal ay mahigit sa anim na buwan, ang kanyang membership record ay dapat itabi sa unit na pinakamainam na makatutugon sa mga pangangailangan ng indibiduwal. Ang ilang bagay na dapat isaalang alang ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

    • Posibilidad na bumalik ang indibiduwal sa kanyang home ward

    • Lokasyon ng mga miyembro ng pamilya

    • Ang pamunuan ng stake na pinakamainam na handang magbigay ng makabuluhang membership council at makatulong sa indibiduwal na makabalik sa landas ng tipan

Kung ang pagiging miyembro ng isang indibiduwal ay pormal na inalis ng membership council, wala nang membership record. Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.2, para sa karagdagang impormasyon.

Mga Quarterly Report

Dapat ibigay ng mga lider ang sumusunod na data sa kanilang stake president bawat quarter:

  • Average na pagdalo ng mga nakakulong na indibiduwal sa mga pagsamba, mga klase, o iba pang programa

  • Kabuuang bilang ng mga adult na nakibahagi nang hindi bababa sa dalawang beses sa mga serbisyo ng pagsamba, mga klase, o iba pang mga programa

  • Mga pangangailangan ng mga bagong nakakulong na indibiduwal na nakikibahagi sa mga programang ito

  • Progress report ng mga pagsisikap na tulungan ang mga taong kamakailan lamang pinalaya

  • Bilang ng mga miyembrong tinawag o iba pang mga boluntaryo

  • Pag-account ng mga materyal na binili at iba pang mga gastusin

  • Status ng pakikipagtulungan sa mga opisyal at chaplain ng bilangguan, kabilang ang mga rekomendasyon para sa pagpapabuti kung kinakailangan

Pagbabadyet

Kung ang branch ng pasilidad ng bilangguan o kulungan ay naorganisa, ang mga badyet ay ginagawa at inaaprubahan sa katulad na paraan na ginagawa nila sa ibang mga ward at branch. Ang karaniwang bilang ng mga adult na nasa kustodiya na dumadalo sa mga pagsamba ay dapat bilangin bilang mga miyembrong dumadalo sa sacrament meeting.

Kung naorganisa ang isang prison ministry group, ang halaga ng mga banal na kasulatan, suskrisyon sa magasing Liahona at iba pang materyal ay dapat bayaran gamit ang mga handog-ayuno mula sa stake. Kung kailangan ng karagdagang pondo, maaaring magpadala ng request ang stake president sa Area Presidency.

Hinihikayat ang mga lider na lubusin ang kanilang pagsisikap na tulungan ang mga taong nakulong kamakailan lamang at ang kanilang pamilya na muling makapagsimula sa isang ward na may ligtas na tirahan, trabaho, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.