“Mga Patakaran para sa mga Liham,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Mga Patakaran para sa mga Liham,” Ministeryo sa Bilangguan
Mga Patakaran para sa mga Liham
Pagpapadala ng Liham
Ang pagmiminister sa mga nakakulong ay maaaring kapalooban ng pakikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng email o sa pamamagitan ng koreo. Ang kaagad na pagsagot sa bawat liham ng mga indibiduwal na nakakulong ay napakahalaga sa kanilang kaalaman at kapakanan. Ang pagpapadala ng liham ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong anyayahan ang bilanggo na lumapit kay Jesucristo at magbigay ng personal na paglilingkod. Tinutulutan ka rin nito na sagutin ang kanilang mga tanong, palakasin ang kanilang loob, at magbahagi ng mga materyal ng Simbahan para matulungan sila na maging malapit sa Tagapagligtas.
Maaaring tumawag ang stake president ng mga indibiduwal, pati ng mga mag-asawa, para makipag-ugnayan sa isang bilanggo. Ang lahat ng komunikasyon ay dapat kakitaan ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo, na iniiwasan ang pagbatikos at pagkondena sa nagawang krimen ng indibiduwal.
Ang sumusunod na mga tuntunin ay naaangkop kapag lumiliham sa mga indibiduwal na nakakulong:
-
Ang responder ay dapat 18 taong gulang man lang o mas matanda pa.
-
Dapat gumamit ng isang post office box upang maprotektahan ang privacy ng responder.
-
Ang mga liham ay hindi dapat lumampas sa limang pahina.
-
Ang mga liham ay dapat lagdaan lamang gamit ang unang pangalan ng responder at dapat iwasan ang magbahagi ng anumang mga personal na detalye.
-
Ang mga colored envelope, colored paper o stationery, greeting card, cardstock, at iba pang multilayered na papel ay hindi pinapahintulutan.
-
Bawal magpadala ng personal na retrato o pera.
-
Bawal makipag-ugnayan sa mga kaibigan o pamilya ng nakakulong na indibiduwal.
-
Hindi pinapahintulutan ang pagtatanong tungkol sa mga dahilan o detalye ng pagkakakulong ng indibiduwal.
-
Ang mga liham mula sa isang nakakulong na indibiduwal ay dapat ituring na kumpidensyal. Maaaring itabi ang mga ito sa isang ligtas na lokasyon hanggang sa anim na buwan, pagkatapos ay dapat nang sirain ang mga ito. OK na mag-scan at mag-email ng mga liham na saklaw ng tungkulin sa stake. Gayunpaman, ang anumang mga elektronikong kopya ay dapat tanggalin pagkatapos ng anim na buwan.
-
Lahat ng liham ay dapat na isinulat na nauunawaan na ang mga komunikasyon ay imo-monitor at babasahin ng mga kawani ng pasilidad.
-
Ang mga liham ay hindi kailanman dapat magbigay ng legal na payo o komento sa mga legal na paglilitis.
-
Kung ang isang liham mula sa isang nakakulong na indibiduwal ay may kasamang pag-amin ng iba pang krimen, pagbabanta na makapinsala sa isang tao, o nagpapahayag ng pagganti laban sa Simbahan, dapat agad na makipag-ugnayan ang mga lider sa Office of General Counsel sa 1-801-240-6301.
Pagbibigay ng Literatura ng Simbahan
Hinihikayat ang mga stake leader na bigyan ang bawat bilanggo ng kopya ng mga banal na kasulatan, suskrisyon ng magasing Liahona at iba pang literatura na maaaring sumusporta sa pagpapagaling, kagalingan sa pag-iisip o emosyon, paggaling sa adiksiyon, at pag-asa sa sarili. Karamihan sa mga pasilidad ay naglilimita sa bilang ng mga personal na gamit na maaaring magkaroon ang isang indibiduwal.
Siguraduhing nasusunod ang mga tuntuning ito:
-
Huwag magpadala ng mga hardbound o spiral bound na libro.
-
Lahat ng patakaran sa pasilidad ay dapat sundin. Mangyaring sumangguni sa website ng pasilidad para sa mga detalye. Kadalasan, ang mga inorder na materyal ay dapat ipadala nang direkta sa mail address ng pasilidad mula sa publisher o distributor.
-
Ang buong pangalan ng nakakulong na indibiduwal, numero ng bilanggo, at unit o cell block ay kailangan para makapag-order, pati na rin ang mail address ng correctional facility.
-
Maaaring gamitin ang pondo ng Simbahan sa pagbili ng angkop na literatura mula sa mga pinagkakatiwalaang bilihan ng aklat.
Clearance para sa On-Site na Pagbisita
Dapat sundin ng mga lider ang mga partikular na patakaran para sa mga bisita na matatagpuan sa website ng correctional facility. Ang madalas na pagbisita, lingguhang pagsamba, o iba pang klase ay dapat na ikoordina sa tulong ng chaplain ng bilangguan. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa chaplain ay maaaring maging malaking pakinabang sa iyo at sa mga pinaglilingkuran mo. Ang ilang bilangguan ay humihingi ng nakasulat na pahintulot bilang patunay na ang mga lider ng Simbahan ay aprubadong kinatawan ng Simbahan. Maaaring mag-email ang mga lider sa tanggapan ng Prison Ministry sa headquarters ng Simbahan para humiling ng liham para sa layuning ito sa PrisonMinistry@ChurchofJesusChrist.org.