Prison Ministry
Ministering sa mga Indibiduwal at mga Pamilya na May Mahal sa Buhay na Nakakulong


“Ministering sa mga Indibiduwal at mga Pamilya na May Mahal sa Buhay na Nakakulong,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Ministering sa mga Indibiduwal at mga Pamilya na May Mahal sa Buhay na Nakakulong,” Ministeryo sa Bilangguan

Hug

Ministering sa mga Indibiduwal at mga Pamilya na May Mahal sa Buhay na Nakakulong

Tingnan din sa Tulong para sa mga Kapamilya ng Nakakulong o Dating Nakulong na mga Indibiduwal.

Ang pagkakaroon ng magulang sa bilangguan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng pag-iisip, pag-uugali sa lipunan, at mga oportunidad sa edukasyon ng isang anak. Ang emosyonal na trauma na maaaring mangyari at ang mga paghihirap ng magulong buhay ng pamilya ay maaaring mapalala ng hindi magandang pagtrato at diskriminasyon ng lipunan sa mga anak ng bilanggo o nakulong. Maaaring makaranas sila ng trauma na may kinalaman sa pag-aresto sa kanilang magulang o mga karanasan na humahantong dito. Ang mga anak ng nakakulong na mga magulang ay maaari ding makaranas ng iba pang mahihirap na karanasan sa pagkabata, tulad ng pagkakasaksi ng karahasan sa kanilang mga komunidad o sambahayan o pagkakalantad sa pagkalulong sa droga o alkohol.

Maaaring naisin ng mga lider na sumangguni sa mga propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip habang nagbibigay sila ng suporta. Tulungan ang mga bata na matutong manalangin sa Diyos at magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo. Anyayahan sila sa simbahan at sa iba pang regular na mga social event para makakilala ng mga bagong kaibigan at magkaroon ng kagalakan.