“Pakikipagtulungan sa Iba,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Pakikipagtulungan sa Iba,” “Ministeryo sa Bilangguan
Pakikipagtulungan sa Iba
Mga Grupo ng Sibiko, Relihiyon, at Komunidad
Kapag iniayon ng mga lider ng Simbahan ang kanilang mga pagsisikap sa ibang grupo, mapapalakas ng Panginoon ang mga pagsisikap na iyon at mapapalakas ang mas marami pa sa Kanyang mga anak. Ang lahat ng pakikipag-ugnayan sa mga grupong ito ay dapat na magalang at matapat. Hinihikayat ang mga lider ng Simbahan na makipag-usap sa mga grupo ng sibiko, relihiyon, at komunidad para talakayin ang mga oportunidad na makipagtulungan. Dapat munang repasuhin ng mga lider ang iminungkahing kolaborasyon, kabilang ang anumang mga ipinangako sa pinansiyal, sa mga lider ng lugar bago simulan ang pakikipagtulungan.
Mga Pinuno ng Pamahalaan at Bilangguan
Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa pamunuan ng pamahalaan at bilangguan ay makadaragdag sa kakayahan ng Simbahan na maglingkod at pagpalain ang mga nais nating suportahan. Maaaring tumulong ang mga lider ng Simbahan na maitatag ang mga ugnayang ito. Dapat laging igalang ng mga lider at miyembro ang mga tauhan, patakaran, at pamamaraan ng bilangguan. Ipapakita nito na mapagkakatiwalaan sila.
Mga Chaplain
Ang chaplain ng bilangguan ay isang taong kinukuha ng correctional facility para suportahan ang mga tao sa lahat ng relihiyon. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa mga chaplain ay makatutulong sa iyo na maglingkod sa mga nakakulong na indibiduwal.
Ang karagdagang resources para sa pakikipagtulungan sa mga chaplain ay matatagpuan dito.