“Pagtukoy sa mga Pangangailangan,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Pagtukoy sa mga Pangangailangan,” Ministeryo sa Bilangguan
Pagtukoy sa mga Pangangailangan
Ang proseso kung saan tinutukoy ng mga lider ang mga pangangailangan ng mga taong apektado ng pagkabilanggo sa loob ng nasasakupan ng area o ng stake ay maaaring magkakaiba. Maaaring tumawag ng mga miyembro na tutulong sa prosesong ito at magbibigay ng patuloy na suporta. Dapat maging sensitibo ang mga lider sa privacy at pangangailangan ng mga taong apektado ng pagkabilanggo. Limitahan ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng tao o pamilya sa mga nangangailangan nito. Kabilang dito ang mga tala sa meeting, personal na tala, at elektronikong komunikasyon.
Isipin ang mga sumusunod:
-
Sino ang mga indibiduwal o pamilya na negatibong naapektuhan ng krimen o pagkabilanggo?
-
Kailangan bang tugunan ang kagyat na temporal na mga pangangailangan?
-
Regular ba silang nakikipag-ugnayan sa ministering couple o mga lider ng ward?
-
May mga kabataan ba o mga bata na kabilang sa mga pamilyang ito na maaaring mangailangan ng karagdagang suporta?
-
Anong mga hamon sa isip o damdamin ang nararanasan nila? Tumutulong ba ang mga propesyonal sa medisina o iba pang mapagkakatiwalaang resources?
-
Ilan ang mga correctional facility sa loob ng mga nasasakupan ng stake?
-
Alin sa mga adult na nakakulong sa loob ng mga pasilidad na ito ang dating may kaugnayan o may interes kamakailan sa Simbahan?
-
Hanggang kailan makukulong ang mga indibiduwal na ito?
-
Ano ang mga pangangailangan ng bawat indibiduwal hinggil sa espirituwal na pag-unlad, edukasyon, paggaling sa adiksiyon, at mga kasanayan sa pakikihalubilo o paghahanapbuhay?
-
Anong access ang kasalukuyang magagamit para makabisita, makapagdaos ng mga pulong o klase, o makapagbigay ng iba pang suporta?