Prison Ministry
Pagsisisi at Pag-unlad sa Landas Patungo sa Tagapagligtas


“Pagsisisi at Pag-unlad sa Landas Patungo sa Tagapagligtas,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Pagsisisi at Pag-unlad sa Landas Patungo sa Tagapagligtas,” Ministeryo sa Bilangguan

mga kamay na may hawak na nakabukas na aklat

Pagsisisi at Pag-unlad sa Landas Patungo sa Tagapagligtas

Kadalasan, ang proseso ng pagsisisi ay nagaganap sa pagitan ng indibiduwal, ng Diyos, at ng mga taong naapektuhan ng mga kasalanan ng isang indibiduwal. Gayunpaman, kung minsan ay kailangang tulungan ng bishop o stake president ang mga miyembro ng Simbahan sa kanilang mga pagsisikap na magsisi. Sa pagtulong nila sa mga miyembro sa proseso ng pagsisisi, ang mga bishop at stake president ay dapat mapagmahal at mapagmalasakit. Sinusunod nila ang halimbawa ng Tagapagligtas, na nagbigay ng inspirasyon sa mga tao at tumulong sa kanila na talikuran ang kasalanan at bumaling sa Diyos. (Tingnan sa Mateo 9:10–13; Juan 8:3–11; tingnan din sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.1.)

Angkop din ang mga alituntuning ito kapag tumutulong sa mga indibiduwal na kasalukuyang nakakulong o dati nang nakulong. Dapat sundin ng mga lider ang mga pahiwatig ng Espiritu at sundin ang tagubilin na ibinigay sa mga banal na kasulatan at sa Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 32. Kapag ginawa nila ito, gagabayan sila para matulungan ang mga anak ng Diyos na bumalik sa landas ng tipan.

Pagtulong sa mga Adult na Nasa Kustodiya

4:55

Hinihikayat ang mga lider na tulungan ang mga nasa hustong gulang o adult na magsisi, patawarin ang kanilang sarili at ang iba, at magkaroon ng patotoo kay Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas. Dapat ituro ng mga lider na maaaring mapatawad ng Panginoon ang sinuman, anuman ang kanilang sitwasyon.

Maaari nilang bigyang-diin na “siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42).

Dapat ding ituro ng mga lider na ang landas pabalik sa ganap na pagiging miyembro sa loob ng Simbahan ay hindi makukumpleto hanggang sa makalaya ang tao mula sa pagkakakulong at muling makasama sa isang ward. Ang status ng pagiging miyembro ng Simbahan ay maaaring makalito sa mga chaplain at corrections official at hindi dapat makaapekto sa ministering sa lugar.

Ang mga taong hindi nabinyagan bilang miyembro ng Simbahan ngunit natuklasan ang mga katotohanan ng ebanghelyo habang nakakulong ay maaaring maghanda para sa binyag pagkatapos nilang makalaya.

Mga Membership Council

Ang membership council ng Simbahan ay mahalagang hakbang sa pagtulong sa isang taong nakagawa ng mabibigat na krimen na magsisi at bumalik sa landas ng tipan (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.6, 32.9–32.14). Maaaring kabilang sa tulong na ito ang pormal na pagbibigay ng restriksyon sa ilang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro ng Simbahan o pagbawi sa pagkamiyembro ng isang tao sa loob ng ilang panahon (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.11.3, 32.11.4). Isa sa mga layunin ng mga restriksyon sa pagiging miyembro ng Simbahan o pagbawi sa pagkamiyembro ay tulungan ang isang tao na matamo ang mapanubos na kapangyarihan ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi.

Ang membership council ay kinakailangan kapag ang isang miyembro ay nakulong dahil sa pagpatay, panggagahasa, seksuwal na pag-atake, pang-aabuso sa bata o kabataan, pang-aabuso sa asawa o iba pang adult, mapagsamantalang pag-uugali (karahasan, seksuwal, o pinansyal), incest, pornograpiyang gumagamit ng mga bata o child pornography, pag-aasawa nang higit sa isa, mabigat na kasalanan habang humahawak ng mahalagang katungkulan sa Simbahan, at kapag nahatulan dahil sa mabigat na krimen (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.6.1).

Maaaring kailanganin ang membership council kapag ang isang miyembro ay nakulong dahil sa marahas na gawain, hindi gaanong mabigat na uri ng pang-aabuso, seksuwal na imoralidad, mapanlinlang na gawain, paglabag sa tiwala, at iba pang mga gawain (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.6.2).

Ang bishop o stake president ng unit kung saan nakatira ang taong ito noong maganap ang krimen ay pasisimulan ang anumang aksyon para sa pormal na mga restriksyon o pagbawi sa pagkamiyembro. Kung nilagyan ng mga restriksyon ang mga pribilehiyo ng pagiging miyembro, ipapadala ng lider (o ng clerk kung awtorisado) ang membership record sa unit sa lugar kung saan nakakulong ang tao. Kung inalis ang pagiging miyembro, kokontakin ng bishop o stake president ang lider ng unit na iyon (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 32.14.8, 32.15).

Hindi bihira na walang council na naganap bago makulong ang isang miyembro. May mga pagkakataon na ang mga lider na may responsibilidad sa miyembrong nakakulong ay kailangang magsagawa ng membership council.

Pagsuporta sa mga Indibiduwal na Nahatulan dahil sa Seksuwal na Pagkakasala

Dapat makipagpulong ang mga lider sa mga nahatulan ng seksuwal na pagkakasala upang malaman kung may anumang kondisyon ang batas na naglilimita sa kanilang kakayahang dumalo sa Simbahan o iba pang mga aktibidad. Dapat ding kontakin ng mga lider ang help line ng Simbahan para magabayan sa mga sitwasyong ito. Ang help line ay magagamit ng mga bishop at stake president.

Dapat kumonsulta ang mga lider sa legal counsel ng Simbahan kung paano gumawa ng pinakamainam na mga kaayusan para matulungan ang indibiduwal na umunlad sa landas pabalik sa Tagapagligtas habang tinitiyak ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng ward.

Ang membership council ng Simbahan ay maaaring maging mahalagang hakbang para matulungan ang isang taong nakagawa ng mabigat na krimen na magsisi at bumalik sa landas ng tipan.

Ang ilang mga bansa ay may database ng mga tao sa bansa na nahatulan ng seksuwal na krimen laban sa isang menor de edad. Ang mga sex offender na nabigyan ng parole o probation ay maaaring pinatawan ng mga restriksiyon ng gobyerno sa pakikilahok sa mga kaganapan sa pakikipagkapwa tulad ng mga pulong ng simbahan. Iginagalang ng Simbahan ang mga restriksiyong ito. Ang mga restrisksiyon ng batas pagkatapos ng paglaya ng isang indibiduwal ay maaaring maiba, at ang mga restriksiyon ay maaaring alisin sa paglipas ng panahon. Depende sa mga sitwasyon, ang Simbahan ay maaaring magpatupad ng karagdagang proteksyon bukod pa sa pormal na mga restriksiyong ipinataw ng batas.

Mga Temple Garment

Hindi ipinagbabawal ng Simbahan na magsuot ng temple garment ang isang adult na nakakulong. Gayunman, dapat mapanalanging suriin ng stake president ang sitwasyon at gumawa ng huling desisyon. Anuman ang desisyon ng stake president, ang adult na nakakulong ay kailangang makipagtulungan sa prison administration at chaplain para malaman kung maaari siyang magsuot ng temple garment nang naaangkop.

Pagtulong sa mga Indibiduwal na Maghanda para sa Paglaya

4:16

Ang mga lider ay maaaring magbigay ng suporta na magpapala sa buhay ng indibiduwal ilang buwan bago ang paglaya mula sa isang pasilidad. Maaari nilang isaalang-alang ang mga sumusunod:

  • Tulungan ang indibiduwal na magplano ng gagawin sa unang 90 araw matapos ang paglaya. Maaaring kabilang sa plano na ito ang paghahanap ng matutuluyan, paghahanap ng trabaho, at muling pakikipag-ugnayan sa pamilya at mga lokal na lider ng Simbahan para sa patuloy na suporta.

  • Makipag-ugnayan sa mga bagong home ward leader, at tulungan silang maghanda ng patuloy na suporta. Hikayatin sila na magtalaga ng ministering couple at regular na interbyuhin ang pinalayang indibiduwal.

  • Alinsunod sa mga tuntunin ng pasilidad, bigyan ang indibiduwal ng mahahalagang contact information para sa mga sumusuportang ahensiya, pampublikong resource, o iba pang kapaki-pakinabang na mga kontak.

  • Tumulong sa pag-aayos ng transportasyon tulad ng masasakyan o mga tiket sa bus. (Tingnan ang mga tuntunin ng “Kaligtasan”)

  • Pag-usapan ang tungkol sa takot at pangamba na maaaring maramdaman ng indibiduwal kapag nakalaya na. Tumulong sa paglutas ng mga alalahanin, pagbibigay ng payo, at pagbibigay ng mga pagpapala ng priesthood.

  • Kung mayroon, kontakin nang maaga pa lang ang Church Transitional Services Office sa 1-801-240-7340.

Pagtulong sa mga Indibiduwal pagkatapos ng Paglaya

Ang unang ilang araw, linggo, at kahit na buwan pagkatapos ng paglaya mula sa pagkabilanggo ay maaaring maging napakahirap. Kadalasan, ang indibiduwal ay walang ligtas na lugar na matutuluyan o magandang mapagtatrabahuhan. Ang pag-adjust sa buhay sa labas ng bilangguan ay nakakabalisa, at posible na matuksong muling balikan ang dating adiksiyon at iba pang mga gawi. Mahalaga ang suporta ng pamilya, mga kaibigan, at mga miyembro ng Simbahan sa panahong ito.

Ang mga tanong na ito ay maaaring makatulong na rebyuhin kapag nagbibigay ng suporta:

  • Saan titira ang tao? Ligtas ba siya at nasa landas na magbibigay sa kanya ng trabaho at koneksiyon sa pamilya at lokal na mga miyembro ng Simbahan?

  • Ano ang mga susunod na hakbang sa pagsisikap ng tao na muling maitatag ang isang ligtas at produktibong buhay?

  • Kailangan ba ng medical appointment o iba pang pangangailangang pangkalusugan?

  • Ano ang magagawa ng pamilya, mga kaibigan, at ng Simbahan para madama ng tao na mahal siya at umuunlad?

  • Anong mga ahensiya at resource sa komunidad ang magagamit para makatulong?

  • Kailangan ba ang pagpapagamot at pagpapayo? Kumusta ang pag-unlad ng tao? Kumusta ang taong nagbabayad nito? Kailangan bang gumawa ng mga pagbabago sa pagpapagamot o pagpapayo?

  • Kailangan mo bang tulungan ang tao na maunawaan ang anumang pagbabago o anotasyon sa kanyang membership record?

Bilang karagdagan, habang nagdaraos ang mga lider ng membership council para isang dating nakulong na adult, hinihikayat sila na isaalang-alang ang dahilan ng pagkabilanggo ng indibiduwal, ang tagal ng pagkabilanggo, at ang mga espirituwal na gawi na tinaglay ng indibiduwal. Kadalasan, ang adult na nakulong ay gumugol ng maraming taon sa pagsisisi, pagdalo sa mga serbisyo sa Simbahan, pag-aaral, at paglilingkod sa iba sa abot ng kanyang makakaya. Sa gayong mga sitwasyon maaaring angkop para sa mga membership council, na sumusunod sa mga tuntunin sa Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 32, na pabilisin ang proseso ng pagrepaso at tulungan ang indibiduwal na mabilis na makabalik sa landas ng tipan at sa ganap na pagiging miyembro.

Maaaring makatulong din ang mga programa ng Simbahan tulad ng Family Services, mga addiction recovery group, o self-reliance class. Ang mga lider at mga miyembro ay maaaring makipag-ugnayan sa Church Transitional Services Office para sa karagdagang tulong sa 1-801-240-7340.