“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2021, loob ng pabalat sa harapan.
Kumonekta
Althea C.
14, New York, USA
Dahil nakatira ako sa New York, napapaligiran ako ng mga taong naiiba sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang nagpapaiba sa bawat tao, dahil nagtuturo ito sa akin kung paano tanggapin at mahalin ang kanilang mga pagkakaiba. Palagay ko talagang nakatutuwang malaman ang tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapalaki sa mga tao.
Sa loob ng mahabang panahon habang lumalaki ako, hindi ako nagdarasal nang mag-isa. Pagkatapos isang araw ay nagkaroon ako ng problema, at naisip ko, “Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang gawin nang mag-isa ang pagpiling ito. Pero alam kong matutulungan ako ng Ama sa Langit.”
Ngayon, ang pagdarasal ay mas naglalapit sa akin sa aking Ama sa Langit. Kung minsan ay nagdarasal ako dahil gusto ko lang makipag-usap sa Kanya! Kahit wala akong mabigat na tanong o problema, gusto kong nakikipag-usap sa Ama sa Langit. Alam ko na hindi mababa ang tingin Niya sa akin at hindi Siya nagagalit sa akin dahil sa aking mga pagkakamali—Siya ay ang aking Ama, at gusto kong magkaroon ng kaugnayan sa Kanya tulad ng mayroon ako sa aking ama dito sa lupa.