“Ang Liwanag ni Cristo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2021, 32.
Taludtod sa Taludtod
Ang Liwanag ni Cristo
Si Jesucristo ang Liwanag.
liwanag ni Cristo
Ang Liwanag ni Cristo ay isang kapangyarihan at impluwensyang nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Nagbibigay ito ng buhay at liwanag sa lahat ng bagay at ibinibigay sa lahat ng tao (tingnan sa Moroni 7:16).
nagbibigay-liwanag sa inyong mga mata
Ang ibig sabihin ng liwanagan ay magturo, maghatid ng kaalaman sa, o magbigay ng kabatiran sa. Ang ating mga mata ay nangangailangan ng liwanag para makakita. Nagpapadala ang mga ito ng liwanag sa ating utak upang maunawaan natin ang ating nakikita. Si Jesucristo ay nagbibigay ng liwanag sa ating espiritu at tinutulungan tayong maunawaan ang Kanyang katotohanan.
nagpapabilis ng inyong pang-unawa
Ang ibig sabihin ng nagpapabilis ay binubuhay. Sa pamamagitan ng Liwanag ni Cristo, nagiging aktibo ang ating puso’t isipan at nauunawaan natin ang buong katotohanan. Kabilang dito ang kaalaman tungkol sa mundo sa ating paligid at tungkol sa tama at mali.
ang batas
Ang batas ay isang grupo ng mga panuntunan. Ang mga batas ay lumilikha ng kaayusan. May mga batas kung paano gumagawa ang mga bagay-bagay sa kalikasan (tulad ng batas ng gravity). May mga batas din kung paano dapat kumilos ang mga tao (tulad ng mga utos ng Diyos).
lahat ng bagay ay pinamamahalaan
Ang ibig sabihin ng pamahalaan ay pamunuan, kontrolin, o patnubayan. Ang Liwanag ni Cristo ang batas na namamahala sa lahat ng bagay. Sinabing minsan ni Jesucristo, “Ako ang batas, at ang ilaw” (3 Nephi 15:9). Siya ang nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay. Siya ang nagtatakda ng mga panuntunan at nagbibigay ng kaayusan sa lahat ng bagay. At ipinapakita Niya sa atin kung paano matamo ang buhay na walang hanggan.