2021
Ipamuhay sa Tuwina ang Word of Wisdom
Agosto 2021


“Ipamuhay sa Tuwina ang Word of Wisdom,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2021, 22–23.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ipamuhay sa Tuwina ang Word of Wisdom

Doktrina at mga Tipan 89

tahanang yari sa troso

1833

si Joseph Smith kasama ang mga lalaking naninigarilyo

Sa isang pulong kasama si Propetang Joseph Smith, maraming lalaking naninigarilyo at ngumunguya ng tabako.

si Emma at Joseph Smith

Kinausap si Joseph ng kanyang asawang si Emma tungkol sa duming iniiwan ng paninigarilyo at tabako. Ang mga bagay na ito ay tila nakapagpapalayo sa Espiritu. Inisip ni Joseph kung ano ang sasabihin ng Diyos tungkol dito.

si Joseph Smith na nagdarasal

Ipinagdasal ni Joseph ang sinabi ni Emma, at nakatanggap siya ng paghahayag kung paano tayo mamumuhay nang malusog. Nakasaad din dito ang malalaking pagpapala kapag sinunod ito.

si Joseph Smith at ang mga pagkain

Inihayag ng Panginoon na dapat tayong:

Kumain ng mga prutas at halamang gamot, pati mga gulay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:10–11).

Kumain ng karne nang paunti-unti (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:12–13).

Kumain ng mga butil (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:14–17).

mga bagay na ipinagbabawal ng Word of Wisdom

Inihayag din ng Panginoon na dapat nating iwasan ang:

Alak, tabako, tsaa, at kape (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:5–9).

lalakeng nagtapon ng pipa sa apoy

Nang ibahagi ni Joseph ang paghahayag na ito, na tinawag na “Word of Wisdom,” itinapon ng ilang kalalakihan ang kanilang mga pipa at tabako sa apoy.

si Joseph Smith na nagtuturo sa iba pang kalalakihan