2021
Ano ang dapat kong sabihin kapag nagtatanong ang mga tao kung bakit hindi tayo umiinom ng tsaa o kape?
Agosto 2021


“Ano ang dapat kong sabihin kapag nagtatanong ang mga tao kung bakit hindi tayo umiinom ng tsaa o kape?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2021, 31.

Tuwirang Sagot

Ano ang dapat kong sabihin kapag nagtatanong ang mga tao kung bakit hindi tayo umiinom ng tsaa o kape?

kape

Ang Word of Wisdom ang batas at kautusan ng Panginoon tungkol sa ipinapasok natin sa ating katawan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89). Ang isang bagay na sinasabi nito sa atin ay iwasan ang “maiinit na inumin” (Doktrina at mga Tipan 89:9). Ipinaliwanag na ni Joseph Smith at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan na ang kahulugan nito ay tsaa at kape.

Samantalang may malinaw na mga pakinabang sa kalusugan ang Word of Wisdom, hindi ito ang pangunahing dahilan kaya natin ito sinusunod. Sinusunod natin ang Word of Wisdom dahil nakipagtipan tayong sundin ang mga utos ng Panginoon.

Nangako sa atin ang Panginoon ng malalaking pagpapala sa pagsunod sa Word of Wisdom, kabilang na ang mga espirituwal na pagpapala. Halimbawa, sinabi niya na tatanggap tayo ng kalusugan, karunungan, at malalaking kayamanan ng kaalaman, gayundin ng Kanyang proteksyon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21).

Maraming tao sa mundo ang umiinom ng tsaa at kape, at ang katotohanan na hindi natin ginagawa iyon ay maaaring tila kakaiba sa kanila. Maaari pa ngang sabihin sa inyo ng ilang tao kung bakit sa palagay nila ay talagang nakalulusog ang tsaa, kape, o iba pang mga bagay na ipinagbabawal ng Word of Wisdom. Pero, ang pangunahing dahilan kaya natin ipinamumuhay ang Word of Wisdom ay dahil nakipagtipan tayong sundin ang mga utos ng Panginoon, at tatanggap tayo ng mga pagpapala sa paggawa nito.