“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan Ago. 2021, 28–29.
Masayang Bahagi
Ikaw ang Mayhawak ng Susi
Walang daan palabas sa maze na ito! Maliban na lang kung may susi ka. At masuwerte ka dahil mayroon ka nito—pero iisa nga lang. Isang nakakandadong pinto lamang ang maaari mong mabuksan sa buong maze. Bukod pa rito, iisang pinto lamang ang magdadala sa iyo sa daan kung saan ay matagumpay mong matatapos ang maze. Kaya huwag panghinaan ng loob kung kailangan mong sumubok nang higit sa isang beses!
Paligsahan ng Paggawa ng Caption
Pinupukaw ba ng larawang ito ang inyong imahinasyon? Umaasa kami na gayon nga, dahil ang kailangan lamang nito ay isang caption mula sa inyo para maging perpekto ito! Ipadala ang inyong pinakanakakatawang mga linya (hanggang Setyembre15) sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org. Pero bago iyon, siguraduhing basahin ang ilang paboritong entry mula sa huling paligsahan (nailathala sa Oktubre 2020 sa New Era).
“Uy! Itikom mo ang labi mo. Hindi masyadong nakakatawa ang biro ko!” FloC., edad 84
“Kapag gumising ka na may iniisip na isang kanta at hindi mo na talaga ito kayang kimkimin sa loob mo.” LillianaN.
“Inay: Nagsipilyo ka na ng ngipin, Wally? Ako: ____________ (humihinga).” TraceS.
“Labinlimang minuto na nang sinabi ang biro pero hindi ka pa rin matapos-tapos sa katatawa.” JuliaC.
“Kapag ang nakababata mong kapatid ay mas malakas kumanta kaysa sa lahat ng nasa sacrament meeting.” BrandenH.
“Ganito ang nangyayari kapag nagpapaliwanag ka sa mga magulang mo ng birong gawa-gawa lamang ninyo…” ZachariahJ.
“Sandali, nalunok mo si Jonas!!!” JaronB.
“Ayaw ko nang maging dentista mo.” ClarkB.