2021
Mga Kabataang Babae at ang Priesthood
Agosto 2021


“Mga Kabataang Babae at ang Priesthood,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ago. 2021, 14–15.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Kabataang Babae at ang Priesthood

Doktrina at mga Tipan 84

dalagita

Larawang kuha mula sa Getty Images

Ang priesthood ng Diyos ay kamangha-mangha. Kung ikaw ay isang dalagita, maaaring mahirap unawain kung paano ito nauugnay sa iyo. Kaya saan ka magsisimula?

Narito ang ilang karaniwang tanong na maaaring mayroon ka, at ilang sagot:

Una sa lahat, ano ang priesthood?

“Ang priesthood ay banal na kapangyarihan at awtoridad na ipinagkatiwala para magamit sa gawain ng Diyos para sa kapakinabangan ng lahat ng Kanyang anak.”1

Ang priesthood ay isang kaloob ng Ama sa Langit para pagpalain ang lahat ng Kanyang anak, kapwa babae at lalaki.

Ano ang awtoridad ng priesthood?

“Ang awtorisasyon na kumatawan sa Diyos at kumilos sa Kanyang pangalan.”2 Ito ay ginagamit sa ilalim ng pamamahala ng mga taong may mga susi ng priesthood. Ang karapat-dapat na mga lalaki ay maaaring tumanggap ng awtoridad ng priesthood sa pamamagitan ng pagkakaloob at ordenasyon. Ang awtoridad na ito ay tinutulutan din ang lahat ng miyembro na kumilos sa mga calling at takdang-gawain sa pamamagitan, halimbawa, ng pamumuno sa mga miting, pagtuturo, at pagtanggap ng paghahayag para sa mga calling at takdang-gawain na iyon.

Ano ang mga susi ng priesthood?

“Ang mga susi ng priesthood ay ang awtoridad na pamahalaan ang paggamit ng priesthood para sa mga anak ng Diyos. Ang paggamit ng lahat ng awtoridad ng priesthood sa Simbahan ay pinamamahalaan niyaong mga mayhawak ng mga susi ng priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 65:2).”3

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng awtoridad ng priesthood at ng kapangyarihan ng priesthood?

Ang kapangyarihan ng priesthood sa inyong personal na buhay ay nagdudulot ng:

  • Patnubay mula sa Espiritu Santo.

  • Paghahayag para sa inyong sarili.

  • Kaginhawahan.

Ang awtoridad ng priesthood ay tinutulutan kayong:

  • Gumanap sa inyong mga calling.

  • Mamuno sa mga miting.

  • Tumanggap ng paghahayag sa mga calling.

dalagita

Tumatanggap ba ng kapangyarihan ng priesthood ang mga kabataang babae?

Oo. “Ang kapangyarihan ng priesthood ay ang kapangyarihang gamit ng Diyos para pagpalain ang Kanyang mga anak. Ang kapangyarihan ng priesthood ng Diyos ay dumadaloy patungo sa lahat ng miyembro ng Simbahan—babae at lalaki—habang tinutupad nila ang tipang ginawa nila sa Kanya. Ginagawa ng mga miyembro ang mga tipang ito kapag tumatanggap sila ng mga ordenansa ng priesthood. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:19–20.)”4

Magagamit ba ng mga kabataang babae ang awtoridad ng priesthood?

Sa ilang sitwasyon, oo. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson sa mga kabataang babae ng Simbahan: “Noong italaga kayo na maglingkod sa isang tungkulin sa ilalim ng pamamahala ng taong may hawak ng mga susi ng priesthood—tulad ng inyong bishop o stake president—kayo ay binigyan ng awtoridad ng priesthood na gumawa sa tungkuling iyan.”5

Hawak ba ng mga kabataang babae ang mga susi ng priesthood?

Hindi. Hawak ni Jesucristo ang lahat ng susi ng priesthood. Sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ibinibigay lamang ito sa mga lalaking may partikular na mga calling. Para sa mga kabataan, may hawak na mga susi ang mga deacons quorum at teachers quorum president.

dalagita

Ang mga kabataang babae ay may access sa priesthood.

Bagama’t hindi kayo maaaring humawak ng mga susi ng priesthood, may awtoridad kayong gumanap sa inyong mga calling dahil itinalaga kayo sa ilalim ng pamamahala ng isang taong may mga susi ng priesthood. Pagpapalain kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naglilingkod kayo sa iba at habang tumatanggap ng espirituwal na patnubay. May pagkakataon din kayong tanggapin ang lahat ng pagpapala ng priesthood na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit.

Kung hindi pa ninyo nauunawaan ang lahat tungkol sa priesthood, huwag kayong mag-alala. Habang sinasaliksik ninyo ang mga banal na kasulatan at pinag-aaralan ang mga salita ng mga makabagong pinuno ng Simbahan, tutulungan kayo ng Panginoon na malaman ang iba pa tungkol sa inyong access sa kapangyarihan ng priesthood, awtoridad ng priesthood at mga pagpapala ng priesthood.