2022
Kumonekta
Marso 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2022.

Kumonekta

Adam L.

15, Jamaica

binatilyo

Larawang kuha ni Christina Smith

Ipinapakita sa akin ng mga magulang ko kung paano maging katulad ni Cristo. Palagi silang tumutulong sa mga tao! At kapag naglilingkod sila sa iba, hindi sila nagrereklamo. Pinananatili nilang banal ang araw ng Sabbath. Nagdarasal din sila tuwing umaga at gabi.

Natututo ako ng iba pang mga bagay mula sa aking mga magulang. Magaling na alagad ng sining ang tatay ko. Mahusay siya lalo na sa pag-shade gamit ang lapis. Gusto kong pagandahin pa ang aking sining, kaya pinanood ko siyang mabuti.

Ang isa pang mithiin ko ay makakuha ng matataas na marka sa paaralan. Kung minsa’y nag-aalala ako sa mga oras ng pagsusulit. Alalang-alala talaga ako noong minsan, kaya nagdasal ako. Pagkatapos, naliwanagan at sumaya ang loob ko. Natapos ko ang pagsusulit nang walang mga problema. Alam ko na tinulungan ako ng Espiritu Santo na hindi matakot.

Nasa isang service project ako noong minsan para tumulong na pintahan ang mga pader ng isang kalapit na paaralan. Noong una ay ayaw kong magpunta roon, pero nagsimulang gumaan ang pakiramdam ko tungkol dito. Ngayon, tuwing napaparaan ako sa paaralang iyon, nadarama ko na espesyal ako. Alam kong natulungan ko ang mga bata roon.