“Paano Ninyo Siya Pinakikinggan?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2022.
Panghuling Salita
Paano Ninyo Siya Pinakikinggan?
Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2020.
Kasama ang mapayapang patnubay na natatanggap natin mula sa Espiritu Santo, paminsan-minsan, makapangyarihan at napakapersonal na tinitiyak ng Diyos sa bawat isa sa atin na kilala at mahal Niya tayo. Sa gayon, sa mga sandali ng ating paghihirap, ipinapaalala sa atin ng Tagapagligtas ang mga karanasang ito.
Isipin ang sarili ninyong buhay. Ang mga karanasang ito ay maaaring dumating sa mahahalagang sandali ng ating buhay o sa mga bagay na sa una ay tila walang-kabuluhang mga pangyayari. Ang mga sandaling ito na espirituwal na nagpapatibay ay dumarating sa iba’t ibang pagkakataon at sa iba’t ibang paraan, na personal para sa bawat isa sa atin.
Ipinaliwanag ni Joseph Smith na kung minsan ay “may bigla [t]ayong [n]aiisip” at paminsan-minsa’y dumadaloy ang dalisay na katalinuhan.1
Ipinayo ni Pangulong Dallin H. Oaks, bilang tugon sa isang matapat na lalaki na nagsabing hindi pa siya kailanman nakaranas ng gayon, “Marahil ay paulit-ulit nang nasagot ang iyong mga dalangin, ngunit inasahan mo ang isang palatandaang napakaringal o isang tinig na napakalakas kaya iniisip mo na hindi ka pa nasasagot.”2
Narinig natin kamakailan na sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson na: “Inaanyayahan ko kayo na isiping mabuti at madalas ang mahalagang tanong na ito: Paano ninyo Siya pinakikinggan? Inaanyayahan ko rin kayong gumawa ng mga hakbang upang marinig Siya nang mas maigi at mas madalas.”3