“Bakit ginawa ng Diyos na Israel ang pangalan ni Jacob?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2022.
Tuwirang Sagot
Bakit ginawa ng Diyos na Israel ang pangalan ni Jacob?
Si Jacob ay anak ni Isaac at apo ni Abraham. Tulad nila, si Jacob ay may mabubuting hangarin at naghangad ng mga pagpapala ng Panginoon.
Sa isang napakahalagang sandali sa kanyang buhay, “Nakipagtunggali si Jacob sa isang mabigat na hamon. Sinubukan ang kanyang kalayaang pumili. Sa pagtutunggaling ito, ipinakita ni Jacob kung ano ang pinakamahalaga sa kanya. Ipinakita niya na handa siya na hayaang manaig ang Diyos sa kanyang buhay. Bilang tugon, binago ng Diyos ang pangalan ni Jacob at ginawang Israel, na ibig sabihin ay ‘hayaang manaig ang Diyos.’ At nangako ang Diyos kay Israel na lahat ng pagpapalang ipinagkaloob kay Abraham ay makakamit niya rin” (Russell M. Nelson, “Hayaang Manaig ang Diyos,” pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2020 [Ensign o Liahona, Nob. 2020, 92]). Ang pagtataglay ng bagong pangalang ito ay isang palatandaan ng pagtanggap ng tipan na natanggap ng kanyang ama at lolo.
Kapag tayo ay binibinyagan, nakikipagtipan tayo. Ipinapakita rin natin na handa tayong taglayin sa ating sarili ang isang bagong pangalan—ang pangalan ni Jesucristo. Bukod pa rito, nagiging bahagi tayo ng sambahayan ni Israel—ang mga nakipagtipan sa Diyos at nangako na “hayaang manaig ang Diyos” sa kanilang buhay. Pagkatapos ay ipinapangako sa atin ng Diyos ang mga pagpapalang ipinangako rin Niya kina Abraham, Isaac, at Jacob.