2022
Sa Cagayan, Philippines
Marso 2022


“Sa Cagayan, Philippines,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2022.

Paano Kami Sumasamba

Sa Cagayan, Philippines

parola sa dalampasigan

Larawang kuha mula sa Getty Images

Magandang araw! Kumusta ka?
(Iyan ang aming pagbati! Sa wikang Tagalog.)

dalagita

Ang pangalan ko ay Agravaine L.

pamilya

Nagmula ako sa isang munting bayan sa Cagayan sa bansang Pilipinas. Kasama ko sa bahay ang aking lola-sa-tuhod at lolo-sa-tuhod, lola, nanay, at dalawang kapatid na babae. Oo, malaki talaga ang pamilya namin! Karaniwan iyan dito sa Pilipinas. Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng matitibay na samahan ng pamilya. Iyan ang pinakapaborito ko tungkol sa pamumuhay rito. Bonus na lang ang tropikal na klima!

mapa

Ang mga paborito kong libangan ay pagbabasa ng mga magasin at pakikinig sa mga podcast at nagpapasiglang musika. Mahilig din akong sumulat ng mga liham sa sarili ko, asawa, at mga anak ko sa hinaharap!

Pag-aaral at Pagbabahagi

Ang paborito kong bahagi sa pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ang kaalaman na ako ay nasa totoong Simbahan ni Cristo. Gustung-gusto kong bumibisita sa templo, magbahagi ng ebanghelyo, at dumalo sa seminary kasama ang mga kaibigan ko. Napakarami kong natututuhan mula sa lahat ng karanasang ito.

dalagita sa templo

Kung minsa’y nahihirapan akong manatiling matatag hanggang sa wakas. Pero ginagawa ko ang lahat para pag-aralan ang aking mga banal na kasulatan gabi-gabi. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay malaking tulong sa aking personal na pag-aaral! Gustung-gusto ko ring magbasa ng mga kuwento mula sa ibang mga kabataan sa mga magasin ng Simbahan. Ginagamit ko ang Gospel Library app para mayroon akong nagpapasiglang mga mensahe sa bulsa ko, saanman ako naroon.

Karamihan sa mga kaibigan ko sa paaralan ay mga miyembro ng Simbahan. Akala ko dati ang ibig sabihin niyan ay wala akong anumang mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo. Pero natutuhan ko na hindi naman sa mga tao lamang mula sa iba’t ibang relihiyon kailangang ibahagi ang ebanghelyo. Gustung-gusto kong ibahagi ang aking patotoo sa matalik kong kaibigan sa paaralan, at isa rin siyang miyembro!

Ang Sabbath

Malayo ang bahay namin sa gusali ng Simbahan, kaya kailangan namin ng kapatid kong babae na magplano nang maaga para makarating sa aming mga miting sa oras (o nang maaga sana)!

Gumigising kami nang alas-4:00 n.u. at naglalakad papunta sa bahay ng tita ko, na nadaraanan papunta sa gusali ng Simbahan. Pinapalitan namin ng damit na pangsimba ang damit na ipinanlakad namin. Pagkatapos ay muli kaming naglalakad nang 30 minuto para makarating sa gusali ng Simbahan (o kung minsan ay 25 minuto kung talagang mabilis kaming maglakad). Dahil naghahanda kami nang maaga para sa mga araw ng Linggo, hindi kami nahuli kahit kailan! Halos hindi kailanman. Talagang maputik ang daan kapag umuulan. Minsa’y umulan nang husto kaya nalubog ako sa putikan at hindi ako makagalaw!

pamilya sa simbahan

Pero sulit ang lahat ng iyon pagdating namin sa simbahan. Nakadarama ako ng kapayapaan at kagalakan kapag pinag-uusapan ang ebanghelyo at nagpapalaganap ng masayang balita ng ating Tagapagligtas. Gustung-gusto kong ibahagi ang aking patotoo tuwing may fast and testimony meeting! Magandang lugar din ang mga klase ko sa Sunday School para ibahagi ang aking mga kabatiran tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo at matuto rin mula sa iba.