“Ano ang dapat kong gawin kapag nadarama ko na hindi nakakagawa ng kaibhan ang mga pagsisikap kong ibahagi ang ebanghelyo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2022.
Mga Tanong at mga Sagot
“Ano ang dapat kong gawin kapag nadarama ko na hindi nakakagawa ng kaibhan ang mga pagsisikap kong ibahagi ang ebanghelyo?”
Tularan ang Halimbawa ni Cristo
“Minsa’y sinabi ng titser ko na walang Diyos. Araw-araw ko nang binabasa ang Aklat ni Mormon at alam ko na hindi totoo ang sinasabi niya. Sinikap kong ibahagi ang aking patotoo, pero hindi siya nakikinig. Natutuhan ko na mas napapansin ang aking mga gawa kaysa aking mga salita. Suportado talaga ng mga kaibigan ko ang aking mga pamantayan. Lagi nila akong minamasdan dahil miyembro ako ng Simbahan.”
Valeria F., 18, Honduras
Humingi ng Tulong
“Maraming paraan para maibahagi ang ebanghelyo. Kung minsan ang pinakamatitinding pagsisikap mo ay hindi garantiya na pahahalagahan ka ng mga kaibigan mo. Hindi mo kailangang gawin ito nang mag-isa. Humingi ng tulong sa iyong Ama sa Langit at sa Tagapagligtas. Maaari kang makatuklas ng bagong paraan.”
Banri O., 15, Japan
Maging Mabuting Halimbawa
“Lagi kong naaalala ang payo ng aking mga lider: ‘Ang pagiging halimbawa ay isa sa pinakamainam na paraan para maibahagi ang ebanghelyo.’ Kung magsisikap tayong magpakita ng mabuting halimbawa at magiging liwanag sa iba, magiging mas madali para sa atin na ibahagi ang ebanghelyo sa mas maraming tao. Ang pagiging kinatawan ni Jesucristo ay maaaring maghatid ng malalaking pagpapala sa ating buhay at sa mga nasa paligid natin.”
Bonnie Q., 16, Bolivia
Sila ang Nagpapasiya
“Maraming beses na akong tinanggihan nang ibahagi ko ang ebanghelyo. Sa totoo lang, kung minsa’y nalulungkot ako dahil wala akong nakikitang anumang mga resulta. Nalaman ko na hindi ko kasalanan kapag hindi tinatanggap ng mga tao ang ebanghelyo. Sila ang nagpapasiya, at dapat akong magpasensya. Kalaunan ay maaaring makagawa ng kaibhan ang mga pagsisikap ko. Maaari kong ipagdasal palagi ang mga taong inaanyayahan ko.”
Cristina B., 18, Romania
Magturo at Kumilos na Tulad ni Cristo
“Maaari tayong mag-isip ng bago at masasayang paraan ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Halimbawa, maaari tayong matuto mula sa paraan ng pangangaral ni Jesucristo sa pamamagitan ng mga talinghaga at kilos. Ang ating mga kilos ay nagpapakita kung sino tayo at ang ating mga pamantayan.”
Johann S., 16, Bolivia
Magpasensya
“Maraming beses na akong tinanggihan nang ibahagi ko ang ebanghelyo. Sa totoo lang, kung minsa’y nalulungkot ako dahil wala akong nakikitang anumang mga resulta. Nalaman ko na hindi ko kasalanan kapag hindi tinatanggap ng mga tao ang ebanghelyo. Sila ang nagpapasiya, at dapat akong magpasensya. Kalaunan ay maaaring makagawa ng kaibhan ang mga pagsisikap ko. Maaari kong ipagdasal palagi ang mga taong inaanyayahan ko.”
Cristina B., 18, Romania
Patuloy na Magsikap
“Maraming beses kapag inanyayahan ko ang mga kaibigan ko na magsimba tuwing Linggo, tinatanggihan nila ang paanyaya. Mahirap ang matanggihan, pero nang basahin ko ang mga banal na kasulatan, alam ko na lahat ng ginagawa natin para sa iba ay ginagawa natin para kay Jesucristo. Naniniwala ako na ang mahalaga ay magkaroon ng pasensya. Hindi natin alam kung kailan maaaring pagpalain ng mga salitang ibinabahagi natin ang mga tao.”
Valeria V., 14, Bolivia
Ipagdasal Sila
“Ang isang madaling paraan para maibahagi ang ebanghelyo ay ang ipakita ang pagmamahal mo sa iyong mga kaibigan. Maaari mong ipagdasal na magkaroon ng lakas-ng-loob na ibahagi ang ebanghelyo. Maaari mo ring ipagdasal na mas maunawaan nila ang mensahe ng ebanghelyo.”
Yuria K., 18, Japan