Institute
Paunang Salita


“Paunang Salita,” Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 (2018)

“Paunang Salita,” Mga Banal, Tomo 1

Paunang Salita

Ang mga tunay na kuwentong maganda ang pagkakasalaysay ay maaaring magbigay-inspirasyon, magbabala, maglibang, at magturo. Naunawaan ni Brigham Young ang kapangyarihan ng isang magandang kuwento nang pinayuhan niya ang mga mananalaysay ng Simbahan na gawin ang higit pa sa pagtatala lamang ng mga payak na datos ng nakaraan. “Magsulat nang pasalaysay,” payo niya at “magsulat lamang ng mga ika-sampung bahagi ang dami.”1

Ang kinalabasan ay ang isang pasalaysay na kasaysayan na dinisenyo upang bigyan ang mga mambabasa ng batayang pang-unawa sa kasaysayan ng Simbahan. Ang bawat tagpo, tauhan, at linya ng diyalogo ay nakasalig sa mga makasaysayang sources, na siyang binanggit sa katapusan ng aklat. Sa mga nais na basahin ang mga sources na ito, mas maunawaan ang magkakaugnay na mga paksa, at tuklasin ang mas maraming kuwento, maaaring makakita ng mga link sa karagdagang mga sanggunian sa internet sa history.lds.org.

Ang aklat na ito ay ang una sa apat na tomong kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Kapag pinagsama, inilalahad ng mga tomo ang kuwento tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo mula sa mga unang araw ng Simbahan hanggang sa ngayon. Isinulat ang mga ito sa estilong kahali-halina na madaling maabot ng mga Banal sa buong mundo.

Nakapaglathala na noon ang Simbahan ng dalawang maramihang tomo ng kasaysayan nito. Ang una ay dokumentaryong pangkasaysayang sinimulan ni Joseph Smith noong dekada 1830 at inilathala simula noong 1842. Ang ikalawa ay isinulat ng assistant na mananalaysay ng Simbahan na si B. H. Roberts at inilathala noong 1930.2 Ang pagpapabatid tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo sa buong mundo mula noon, at ang utos ng Panginoon na patuloy na pag-ingatan ang kasaysayan “para sa ikabubuti ng simbahan, at para sa [umuusbong na] salinlahi,”3 ay hudyat na panahon na upang mag-update at magsama ng marami pang mga Banal sa kuwento.

Higit pa sa mga nakaraang kasaysayan, inilalahad ng Mga Banal ang mga buhay at mga kuwento ng mga karaniwang lalaki at babae sa Simbahan. Nagbibigay rin ito ng bagong detalye at pananaw sa mga mas kilalang tao at mga pangyayari mula sa kasaysayan ng Simbahan. Ang bawat kabanata ay makatutulong sa mga mambabasa na maunawaan at pahalagahan ang mga Banal na siyang humubog sa kung ano ngayon ang Simbahan. Kapag inihabi nang sama-sama, ang kanilang mga kuwento ay lumilikha ng mamahaling tapiserya ng Panunumbalik.

Ang Mga Banal ay hindi banal na kasulatan, ngunit tulad ng mga banal na kasulatan, ang bawat tomo ay naglalaman ng banal na katotohanan at mga kuwento ng mga taong di-perpekto na nagsisikap na maging mga Banal sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.4 Ang kanilang mga kuwento—tulad ng mga kuwento ng lahat ng Banal, noon at ngayon—ay nagpapaalala sa mga mambabasa kung gaano napakamaawain ng Panginoon sa Kanyang mga tao sa pagsasama-sama nila sa buong mundo upang lalong isulong ang gawain ng Diyos.

Mga Tala

  1. Woodruff, Journal, Oct. 20, 1861.

  2. Joseph Smith at iba pa, History of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, inedit ni B. H. Roberts (Salt Lake City: Deseret News, 1902–1912 [tomo 1–6], 1932 [tomo 7]); B. H. Roberts, A Comprehensive History of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints: Century I. 6 tomo (Salt Lake City: Deseret News, 1930).

  3. Doctrine and Covenants 69:8 (Revelation, Nov. 11, 1831–A, sa josephsmithpapers.org).

  4. Tingnan sa Mosias 3:19.