2022
5 Katotohanan Tungkol kay Esther
Hulyo 2022


“5 Katotohanan Tungkol kay Esther,” Liahona, Hulyo 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Esther

5 Katotohanan Tungkol kay Esther

Larawan
ang paglapit ni Esther sa hari

Ang Paglapit ni Esther sa Hari, ni Robert T. Barrett, hindi maaaring kopyahin

1. Si Esther ay isang ulila.

Si Esther ay isang Judio, at nang mamatay ang kanyang mga magulang, pinalaki siya ng kanyang pinsan na si Mordecai, na isa ring Judio (tingnan sa Esther 2:7).

2. Nanirahan si Esther sa Persia.

Si Esther ay nanirahan sa Shushan, Persia (makabagong Iran), mahigit 100 taon matapos maging bihag ang mga Judio sa Babilonia.

3. Kinailangang panatilihing lihim ni Esther ang kanyang pagkatao bilang Judio.

Sa kahilingan ni Mordecai, hindi inihayag ni Esther kahit kanino na siya ay isang Judio. Inilihim niya ang kanyang pagkatao, kahit matapos siyang maging reyna. (Tingnan sa Esther 2:10, 20.)

4. Itinaya ni Esther ang kanyang buhay para iligtas ang kanyang mga kababayan.

Noong panahon ni Esther, madalas manganib na mapatay ang mga hari. Kaya, para sa proteksyon ng hari, idinikta ng kaugalian na walang sinumang makalalapit sa hari kung walang imbitasyon mula sa kanya. Kaya nga itinataya ni Esther ang kanyang buhay nang magpunta siya sa hari para anyayahan siya sa isang piging kung saan maibubunyag niya ang balak ni Haman na patayin ang mga Judio (tingnan sa Esther 5; 7).

5. Si Esther ay may pananampalataya sa Diyos.

Hiniling ni Esther na mag-ayuno ang lahat ng mga Judio sa Shushan nang tatlong araw bago niya nilapitan ang hari (tingnan sa Esther 4:16). Dahil sa katapangan ni Esther at sa mga pagpapala ng Panginoon, ang mga Judio ay naligtas.

Print