“Shyam Kumar Lohat, New Delhi, India,” Liahona, Hulyo 2022.
Mga Larawan ng Pananampalataya
Shyam Kumar Lohat, New Delhi, India
Larawan
Si Shyam, ang kanyang asawang si Radhika, at ang kanilang anak
Larawan ni Shyam, ng kanyang asawang si Radhika, at ng kanilang anak na lalaki na kuha ni Richard M. Romney
Isang gabi ay dumating ang sagot sa aking panalangin sa paraang hindi ko maikakaila. Iyon ay isang sagot na puno ng liwanag at kapayapaan. Gumaan ang pakiramdam ko at dama kong isinilang akong muli. Pakiramdam ko gusto kong maging pinakamabait na tao sa mundo. Alam ng Diyos kung paano ako sasagutin, at alam ko kung ano ang gagawin pagkatapos niyon. Sa katunayan, natakot ako sa mangyayari kung hindi ako mabibinyagan.