Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Ang Nabaling Busog ni Nephi
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Ang Nabaling Busog ni Nephi
Basahin ang kuwentong ito sa 1 Nephi 16.
Isang araw sa ilang, nabali ang busog na gamit ni Nephi sa pangangaso. Nag-alala ang kanyang pamilya. Hindi nila alam kung paano sila makakakuha ng pagkain kung wala ito.
Si Nephi ay may pananampalataya. Gumawa siya ng bagong busog at pana. Ang kanyang amang si Lehi ay nagdasal na tulungan sila.
Tiningnan nila ang Liahona. Ito ay isang espesyal na bola na ibinigay sa kanila ng Panginoon. Kapag sinusunod nila ang mga kautusan, ipinapakita sa kanila ng Liahona kung saan pupunta.
Nakakuha ng pagkain si Nephi para sa kanyang pamilya!
Kapag may nangyayaring masasama o malulungkot na bagay, hindi ako susuko! Tutulungan ako ng Ama sa Langit na malutas ang mga problema. ●
Pahinang Kukulayan
Mga paglalarawan ni Apryl Stott