Para sa mga Batang Mambabasa
Ang Espesyal na Pangako ni Moroni


“Ang Espesyal na Pangako ni Moroni,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Ang Espesyal na Pangako ni Moroni”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Ang Espesyal na Pangako ni Moroni

ibinibigay ni Mormon ang mga laminang ginto kay Moroni

Si Moroni ay anak ni Mormon. Ibinigay sa kanya ng kanyang ama ang mga laminang ginto para masulatan.

mga tinedyer na nagbabasbas ng sakramento

Isinulat ni Moroni ang mga panalangin sa sakramento. Isinulat niya na lahat ng mabuti ay nagmumula sa Diyos.

nakikipag-usap si Jesus sa mga bata

Isinulat ni Moroni na mahal ni Jesus ang lahat ng bata. Sinabi niya na maaari nating ipagdasal na magkaroon tayo ng pagmamahal sa ating puso.

ibinabaon ni Moroni ang mga laminang ginto

Gumawa ng espesyal na pangako si Moroni. Isinulat niya na kung babasahin natin ang Aklat ni Mormon at magtatanong sa Diyos, sasabihin sa atin ng Espiritu Santo na ito ay totoo. Pagkatapos ay ibinaon ni Moroni ang mga lamina sa Burol ng Cumorah para maingatan ito.

nagpakita si Moroni kay Joseph Smith

Makalipas ang maraming taon bumaba si Moroni sa lupa bilang isang anghel. Ipinakita niya kay Joseph Smith kung saan nakabaon ang mga laminang ginto. Pinagkalooban ng Diyos si Joseph ng kapangyarihang isalin ang mga salita na nasa mga lamina. Ngayo’y mababasa natin ang mga salita ni Moroni sa Aklat ni Mormon!

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Mahal Ko ang Aking Pamilya

pamilyang naglalakad

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott