“Tinawid ng Pamilya ni Nephi ang Karagatan,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Tinawid ng Pamilya ni Nephi ang Karagatan”
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Tinawid ng Pamilya ni Nephi ang Karagatan
Mula sa 1 Nephi 17–18
Ang pamilya ni Nephi ay naglakbay sa ilang nang walong taon. Sa wakas ay nakarating sila sa isang magandang lugar. Malapit ito sa dagat, at maraming prutas at pulot na makakain doon. Napakasaya ng lahat!
Pero hindi pa tapos ang kanilang paglalakbay. Inutusan ng Ama sa Langit si Nephi na gumawa ng sasakyang-dagat. Ipinakita Niya kay Nephi kung ano dapat ang hitsura nito. Ipinangako Niya na dadalhin sila ng sasakyang-dagat sa isang napakagandang bagong lupain.
Gumawa muna si Nephi ng mga kagamitan. Pagkatapos ay sinimulan na niya ang paggawa ng sasakyang-dagat. Nagreklamo ang mga kapatid ni Nephi na sina Laman at Lemuel. Hindi sila naniwala na makakagawa siya ng sasakyang-dagat. Alam ni Nephi na mapagkakatiwalaan ng kanilang pamilya ang Ama sa Langit.
Nang matapos ang sasakyang-dagat, nagsimulang maglakbay sa karagatan ang pamilya ni Nephi. Isang araw nagalit sina Laman at Lemuel kay Nephi at itinali nila ito. Dumating ang isang malakas na bagyo at tinangay pabalik ang sasakyang-dagat. Nagsisi ang magkapatid, at si Nephi ang nagpaandar sa sasakyang-dagat patungo sa direksyong dapat nitong puntahan.
Kalaunan narating ng pamilya ni Nephi ang pampang ng isang bagong lupain. Masaya si Nephi at ang kanyang pamilya dahil alam nila na inakay sila roon ng Ama sa Langit.
Palaging tinutupad ng Ama sa Langit ang Kanyang mga pangako!
Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.