Para sa mga Batang Mambabasa
Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako


“Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Paglalakbay Patungo sa Lupang Pangako

Mula sa Eter 2–3; 6

si Jared at ang kanyang kapatid na lalaki

Si Jared at ang kanyang kapatid ay nakatira sa isang lambak kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Binisita ni Jesucristo ang kapatid ni Jared. Sinabi Niya sa kapatid ni Jared na gumawa ng mga sasakyang-dagat para maitawid ng karagatan ang kanyang mga tao patungo sa lupang pangako.

mga Jaredita na gumagawa ng mga sasakyang-dagat

Ang mga sasakyang-dagat na ginawa ng mga tao ay walang mga bintana. Nag-alala ang kapatid ni Jared kung paano sila makakahinga at makakatingin sa labas. Sinabi ni Jesus na dapat nilang butasan ang mga sasakyang-dagat para pumasok ang hangin.

kapatid ni Jared na gumagawa ng mga bato

Pero paano sila magkakaroon ng ilaw sa loob ng sasakyang-dagat? Ang kapatid ni Jared ay gumawa ng 16 na malilinaw na bato. Hiniling niya kay Jesus na hipuin ang mga ito ng Kanyang daliri para kuminang.

si Jesus na hinihipo ang bawat bato

Nakita ng kapatid ni Jared ang paghipo ng daliri ni Jesus sa bawat bato. Kuminang nang husto ang mga bato. Dahil napakalaki ng pananampalataya niya, nakita ng kapatid ni Jared si Jesucristo!

mga Jaredita na sasakay na sa mga sasakyang-dagat

Nagpadala ang Diyos ng malalakas na hangin para humihip sa mga sasakyang-dagat patawid ng karagatan. Pagdating nila sa lupang pangako, nagdasal ang mga Jaredita upang pasalamatan ang Diyos sa pagprotekta sa kanila.

Maaari nating tularan ang kapatid ni Jared kapag tayo ay nagtiwala sa Diyos at nanampalataya kay Jesucristo.

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Ang Musika ay Nagpapasaya sa Akin

mga batang tumutugtog ng mga instrumento

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott