Para sa mga Batang Mambabasa
Tinuruan ni Haring Benjamin ang Kanyang mga Tao


“Tinuruan ni Haring Benjamin ang Kanyang mga Tao,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Tinuruan ni Haring Benjamin ang Kanyang mga Tao”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Tinuruan ni Haring Benjamin ang Kanyang mga Tao

Mula sa Mosias 2–5

kinakausap ni Haring Benjamin ang mga tao

Noon ay may isang mabuting hari na nagngangalang Haring Benjamin. Tinuruan niya ang kanyang mga tao na sumunod sa Diyos upang magkaroon sila ng kapayapaan.

Haring Benjamin at Mosias

Tumatanda na si Haring Benjamin. Ibinigay niya sa kanyang anak na si Mosias ang mga banal na kasulatan at ang kompas na tinatawag na Liahona. Gusto niya na ingatan nang mabuti ni Mosias ang mahahalagang bagay na ito.

mga tao na nagtatayo ng tolda

Gustong magsalita ni Haring Benjamin sa kanyang mga tao bago siya mamatay. Hiniling niya na pumunta sila sa templo.

Nagdatingan ang mga tao mula sa lahat ng dako ng lupain. Nagtayo sila ng kanilang mga tolda kasama ang kanilang mga pamilya. Ano kaya ang sasabihin ng hari sa kanila?

si Haring Benjamin na nakatayo sa isang tore

Tumingala ang mga tao at nakita nila ang hari na nakatayo sa isang tore. Pagkatapos ay nagsimulang magsalita ang hari.

kinakausap ni Haring Benjamin ang mga tao

Sinabi ni Haring Benjamin sa mga tao ang nais ng Ama sa Langit na malaman nila. Sinabi niya sa kanila ang tungkol kay Jesucristo. Sinabi niya sa kanila na sundin ang mga kautusan at tulungan ang ibang tao. Sa gayon ay tatawagin silang mga disipulo ni Cristo. At makakapiling nilang muli ang Ama sa Langit!

Ngayon ay itinuturo sa atin ng ating propeta kung ano ang nais ng Ama sa Langit na malaman natin upang makapiling natin Siyang muli.

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Nakikinig Tayo sa Ating Propeta Ngayon

pamilya na nanonood ng pangkalahatang kumperensya

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott