Para sa mga Batang Mambabasa
Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus


“Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus”

Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa

Nagturo si Samuel tungkol kay Jesus

Mula sa Helaman 13–15; 3 Nephi 1:13–15, 21

si Samuel na umaakyat sa pader

Si Samuel ay isang propeta. Umakyat siya sa pader ng isang lungsod para mangaral. Sinabi niya sa mga tao na kailangan nilang magsisi at manampalataya kay Jesucristo.

si Samuel na nakatayo sa ibabaw ng isang pader

Itinuro ni Samuel na malapit nang isilang si Jesus. Isang bagong bituin ang magniningning. Mananatiling maliwanag ang kalangitan sa buong magdamag!

Itinuro niya na kapag namatay si Jesus, magdidilim sa loob ng tatlong araw. Maraming lungsod ang mawawasak.

mga palaso patungo kay Samuel

Ilang tao ang naniwala at nabinyagan. Ang iba ay hindi naniwala at nagalit. Pinagbabato at pinana nila si Samuel. Ngunit pinrotektahan siya ng Diyos, at hindi siya nasaktan.

si Samuel na tumatakbo mula sa mga palaso

Tinangka ng mga taong hindi naniwala na bihagin si Samuel. Pero nakatakas si Samuel.

mga tao na nakatingin sa bagong bituin

Pagkaraan ng limang taon, isinilang si Jesus. Isang bagong bituin ang nagningning sa kalangitan. Nangyari nga ang itinuro ni Samuel!

Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Magbabayad Ako ng Ikapu

batang may alkansyang baboy

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott