“Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita”
Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon para sa mga Batang Mambabasa
Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita
Mula sa 3 Nephi 11–18
Noong naninirahan pa si Jesus sa lupa, pinagaling Niya ang mga may sakit o nasaktan. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano manalangin. Binasbasan Niya ang mga bata.
Tumawag Siya ng 12 Apostol at ibinigay Niya sa kanila ang sakramento upang matulungan silang alalahanin Siya. At pagkatapos, Siya ay namatay at nabuhay na muli.
Pagkatapos Niyang mabuhay na muli, dumalaw si Jesus sa mga Nephita, na nakatira sa kabilang ibayo ng karagatan.
Tumawag Siya ng 12 disipulo at ipinagkaloob sa kanila ang priesthood. Pinagaling Niya ang mga taong may sakit o nasaktan. Tinuruan Niya ang mga tao kung paano manalangin. Lahat ng tao ay yumukod at sumamba sa Kanya.
Sinabi ni Jesus sa mga Nephita na dalhin nila sa Kanya ang kanilang mga anak. Nagdasal Siya, at pagkatapos ay binasbasan Niya ang bawat bata. Dumating ang mga anghel para bumisita sa kanila.
Ibinigay ni Jesus sa mga Nephita ang sakramento upang palagi nila Siyang maalaala.
Panoorin ang Book of Mormon stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Matutulungan Ko ang Aking Pamilya
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott